Paggising ko, agad kong naalala na wala akong regalo sa tatlong bata. Pero mamaya pa naman 'yon, kaya puwede pa ako bumili mamaya. Bumangon na ako at nag ayos ng sarili, pagkatapos bumaba ako para magtimpla ulit ng kape. Daily routine ko na ito wala ng bago doon, magbabago lang 'yon kung hindi na kape ang mahal ni boss. "Goodmorning boss, ito na kape mo!" ani ko rito, ang aga aga nakatutuk sa laptop n'ya. "Ilapag mo d'yan!" sobrang busy naman n'ya. Magpapaalam na rin ako ngayon sa kaniya na lalabas ako. "Boss, lalabas ako punta akong mall..." "Why? Ano'ng gagawin mo doon?" napatingin naman ito sa akin, sa wakas nakuha ko rin ang atensyon n'ya. "Hmm, ano bibili ako ng gift para sa may birthday..." sana pumayag s'ya, ayoko naman pumunta sa party na wala akong maiabot sa mga bata. "Si

