Back to work na ulit ako, maayos na at hindi ko na rin iniisip ang mga bagay na walang kuwenta. Umalis si boss, ang problema ko ngayon, naiwan ni boss ang mahalagang bagay iba ang nadala nila. Tinawagan ko ito pero hindi naman nasagot dahil naiwan pala nito ang cp n‘ya jusme namang lalaking ‘yon. Baka pagod lang kaya naging makakalimutin. Pinaiwan n‘ya kasi ako rito at ang secretary n‘ya mismo ang sinama n‘ya hindi ko naman matawagan dahil wala akong number noon ang cp naman ni boss ay may lock. Pinag isipan ko kung lalabas ako, dahil bilin noon na kung may gusto akong gawin, e ipagawa ko na lang sa iba. Pero hindi puwede mahalagang bagay ito, dahil ako ang personal assistant n‘ya tungkulin kong ingatan ang mga mahalagang gamit n‘ya at syempre si boss na rin. “Bahala na!” lumabas na ako,

