Ngayong araw ang dating ni anteh, sakto naman na wala kaming pasok ni boss. Pero si boss umalis may pupuntahan raw, kaya hinayaan ko na. Naglilinis ako ngayon ng kuwarto ni boss, binilin n‘ya sa akin kanina bago umalis. Habang naglilinis, nakita ko ulit ang isang family picture nila, mabuti pa sila kahit wala na ang magulang nila may family picture silang naiwan. Samantalang ako kahit isang picture nila, wala ako. Pinunasan ko na ang mga picture frame, nakakita ako ng sulat sa picture frame pero hindi ko pinakialam baka magalit ‘yon meron pa naman monitor sa room n‘ya. Naglinis na ako, bawat sulok pati mga design sa kuwarto n‘ya nilinis ko rin. Ibang klase si boss, hindi naman halatang black and white ang favorite color n‘ya e bawat sulok ng kuwarto black and white makikita mo. Nang mata

