BERNADETTE Isang buwan ang nakalipas magmula nang umalis si Fernan. Wala akong ideya kung saan nagpunta ang lalaking iyon. Hindi ko naman tinanong si Luna dahil nahiya na akong tanungin siya. Alam kong alam niya kung saan nagpunta ang lalaking iyon. Ano naman ang pakialam ko? Bahala siya sa buhay niya! Napangiti ako nang makita ko si Abigail. Agad ko siyang kinuha ko nakaupo sa sahig at may nilalaro. Binuhat ko ang anak ko. “Hello anak.” Bati ko sa anak ko at hinagkan ang pisngi niya. Habang lumalaki ang anak ko ay lalo siyang gumaganda. Napangiti ang anak ko at may tinuturo siya. Nangunot ang noo ko at sinundan ng tingin ang tinuturo ng anak ko. Nanlaki ang mata ko nang makita si Fernan, nakatayo at may hawak na white teddy bear. Bumilis ang t***k ng puso ko. Pansin ko na nagpagupit

