FERNAN
Kahit tatlong buwan na ang nakararaan hindi ko pa rin matanggap ang pakikipaghiwalay sa akin ni Isabella. Matinding galit ang nasa puso ko sa lalaking umagaw sa babaeng mahal ko.
Kung hindi lang pumasok ang lalaking iyon sa buhay ni Isabella, malamang ngayon ay asawa ko na siya. Mahal ko si Isabella kahit may mga anak na siya. Balewala lang sa akin iyon dahil ituturing ko silang mga anak ko. Ngunit sadyang tuso ang lalaking iyon dahil ginamit niya ang mga anak para makuha si Isabella sa akin.
I was about to go inside my room when I saw Bernadette approaching me. My brows furrowed.
“Ano'ng kailangan mo?”
She even appears hesitant to speak.
“Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin!”
Tumaas ang tono ng boses kodahil sa nararamdamang inis sa babaeng nasa harapan ko. Hindi ko alam kung bakit mabigat ang dugo ko sa kanya kahit wala naman siyang ginagawang masama sa akin.
“F-Fernan may s-sasabihin ako.” Nauutal na sabi niya. Nagyuko siya ng ulo at pinagsiklop ang kamay na nanginginig. Kunot na kunot ang noo ko habang nakatitig sa kanya.
“What?!” inis na tanong ko.
Binibitin pa kung ano ang gusto niyang sabihin. “Look, I’m very tired.” Inis na sabi ko. Hinintay ko ang sasabihin niya, ngunit parang natigilan siya at hindi nagsalita. Parang wala na siyang balak magsalita.
“Shall we just stare at each other here? You’re wasting my time if you have nothing to say!” Inis na turan ko. Sinamaan ko ng tingin si Bernadette. Tatalikod na sana ako nang magsalita siya.
“B-buntis ako.” Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Walang sabi-sabing hinablot ko ang braso niya at mahigpit na hinawakan. Napangiwi siya sa sakit.
“F-Fernan nasasaktan ako,” reklamo niya.
“Masasaktan ka talaga sa akin! Alam kong plano mong lahat ng ito! Sinabi mo ba kay Mommy na buntis ka?!” I almost squeezed her arm. She winced in pain. I don’t care if she hurts. She slowly nodded. I let her go and laughed like a fool.
“I knew it,” I hissed. “Plano mo talaga ito! You b***h!” I touched her jaw, which made her cry.
“Hindi mo ako maloloko, Bernadette. Alam mong hindi papayag si Mommy na hindi kita panagutan! Kaya sinabi mo na kaagad sa kanya!” sabi ko.
Marahas kong binitiwan ang panga niya. Halos mapasubsob siya sa lakas ng ginawa ko. Napaiyak si Bernadette. Tinalikuran ko na siya. I hate her to the core!
Nagpunta ako ng bar at nag-inom lang ako nang nag-inom. I want to get drunk and forget about my problem. May tumapik sa balikat ko kaya napalingon ako.
“May problema ka na naman? You look ugly!” Natatawang sabi ni Gavin. Sinamaan ko siya ng tingin.
“Sinong mas gago sa ating dalawa? Hindi ba ikaw?” inis na sabi ko. Sinuntok ni Gavin ang braso ko nang mahina.
“Wala naman akong sinabing gago ka? Makasabi ka naman ng gago?” Natatawang sabi ni Gavin sa akin na ikinasimangot ko. Tinungga ko ang baso na may lamang alak.
“She’s pregnant,” sabi ko. Nagtatakang tiningnan ako ni Gavin. Nakasalubong ang kanyang mga kilay.
“Who’s pregnant?” tanong niya.
“Bernadette.” Sagot ko. Biglang natawa si Gavin sa akin. Ako naman ang nagsalubong ng kilay.
“Ano naman ang nakakatawa sa sinabi ko?”
“Ang akala ko ay hindi ka pa nakaka-move on kay Isabella. See, nabuntis mo si Bernadette.”
Nainis ako sa sinabi niya. I will never do that!
“Who wouldn’t think?” aniya at natawa pa.
“It was an accident. Lasing ako at that time kaya may nangyari sa amin.” Paliwanag ko. Akala ko kasi si Isabella siya. Nag-hallucinate lang pala ako. Masyado lang madami akong nainom.
“So lahat pala ng lasing hindi alam ang ginagawa? Oh, seriously? I don't think you're telling the truth. You know what you're doing.”
Pinalalabas ba niyang alam ko ang ginagawa ko sa mga oras na iyon?
“Yeah, I thought she’s Isabella kaya nangyari ang hindi dapat mangyari sa aming dalawa. Nadala ako sa imagination ko na akala ko ang nasa kama ko ay si Isabella.” Gavin laughs at me.
“Alam mong nakipaghiwalay sa iyo si Isabella at pinili na niya si asshole Chris. Iniisip mo pa rin bang babalik sa iyo si Isabella? Tanga lang ang mag-iisip niyon. And I think ikaw iyon. To tell you this. If I’m drunk I know what I am doing. Maliban lang sa nahihilo ako at mabigat ang katawan ko ay wala na. Kilala ko pa naman ang nasa paligid ko. Kaya hindi kapani-paniwala ang sinasabi mo. Tell that to the marine!” sabi niya at tumawa muli. Mas nakakainis na tawa. Sumama ang mukha ko. Gusto kong ibuhos sa kanya ang laman ng baso ko.
“Hindi naman ako ikaw. Gago! Magkaiba tayo ng katawan. Are you here to annoy me? It's not funny, you know.” Inirapan ko siya. Inakbayan niya ako, ngunit pinalis ko ang braso niyang nakapatong sa balikat ko.
“Alam mo it’s time to move on man! Magkakaanak ka na at magiging ama ka na. You should prioritize them kasi kapag nawala sila roon mo lang mare-realize ang kahalagahan nila sa buhay mo. Kaya huwag mo nang hintayin mangyari ’yun. Huwag mo akong gayahin kasi hanggang ngayon hindi ko pa mapatawad ang sarili ko. Ang daming oras at panahon na pinalagpas ko, pero wala akong ginawa sa mag-ina ko. Hindi ko man lang sila hinanap kasi alam mo kung bakit?” Napalingon ako kay Gavin. His eyes were sad kahit tumatawa siya makikita mong it was empty.
“Bakit?”
“Mapagmataas akong tao. Ang akala ko ay kaya ko lahat. Wala akong inisip kung hindi ang sarili ko. Na-realize kong hindi ko pala kaya. Nasaktan ko ang babaeng minahal ako sa kabila ng agwat ng estado namin sa buhay. Kahit mahirap sa kanya mag-adjust sa akin, pero ginawa niya. Hindi ko inisip na nahihirapan na pala siya.” Gumaralgal ang boses niya.
Naawa ako sa kaibigan ko. Inakbayan ko si Gavin. Ngayon lang nag-open up ang kaibigan ng kanyang saloobin. He didn’t say anything about his wife. Hindi ko naman siya tinanong pa dahil gusto kong irespeto kung ayaw niyang magsabi sa akin ng kanyang problema.
Magkaiba kami ng sitwasyon at problema. Iba si Jane ang asawa ni Gavin at si Bernadette. Mahal ni Gavin si Jane. I don’t love, Bernadette. Siya itong ipinagsisiksikan ang sarili sa akin.
BERNADETTE
Pagkaalis ni Fernan ay wala akong ginawa kung hindi umiyak. SA iyak ko na lang nailalabas ang sakit na nararamdaman ko sa pagbabalewala sa akin ni Fernan.
Hindi ko ini-expect na mas lalong nagalit sa akin si Fernan. Ako pa ang lumabas na masama at inisip niya pang plano kong magpabuntis. Ang akala ko kapag nalaman niyang buntis ako ay magbabago na siya at mamahalin na niya ako, ngunit nagkamali ako mukhang mas lumala pa ang galit niya sa akin.
Umupo ako sa kama. Napapagod na akong isiksik ang sarili kay Fernan. Gusto ko ng sumuko, ngunit naiisip ko ang ipinagbubuntis ko. Ayokong walang makagisnang ama ang anak ko. Napahawak ako sa tiyan.
Hindi ko dapat sukuan si Fernan. Tama ang sinabi ni Tita Lilly kung mahal ko si Fernan dapat ipaglaban ko iyon. Lalo ngayong magkakaroon na kami ng anak. Tumayo ako upang magluto ng ulam. Ipagluluto ko si Fernan. Gagawin ko ang lahat para mapalambot ang matigas niyang puso. Hindi dapat ako mawawalan ng pag-asa.
Nang matapos akong magluto inilagay ko sa lamesa ang mga nalutong ulam. Lahat ay paborito ni Fernan. May afritada, pochero at sinigang na baboy. Naglagay din ako ng flower sa gitna at may candle.
Napangiti ako nang makita kung gaano kaganda ang ginawa kong preparation. Nagsuot ako ng simpleng bestida para hindi ako magmukhang busabos sa paningin niya. Hihintayin ko na lamang siya rito sa sala. Naupo ako sa sofa. Habang hinihintay siya ay nanood muna ako ng TV.
Ilang oras ang lumipas, ngunit walang Fernan ang dumating. Inaantok na ako at hindi ko na maintindihan ang pinanonood sa TV. Nagpasya akong umidlip muna at baka mamaya pa ang uwi niya.
Naalimpungatan ako nang makarinig ng kalabog. Bumangon akong pupungas-pungas na napatingin sa pinto. Nagulat ako nang makita si Fernan na nakaupo sa sahig at nakayukyok ang ulo. Lasing na lasing.
Nilapitan ko siya. “Fernan, bakit ngayon ka lang?”
Napalayo ako nang maamoy ang alak. Parang babaligtad ang sikmura ko nang maamoy ang alkohol. Nagtaka ako sa sarili dahil hindi naman ako sensitive sa pang-amoy kahit na alkohol pa iyon. Bakit ngayon ay ayoko ang amoy niyon? Dala kaya ito ng pagdadalangtao ko?
Nawala ako sa iniisip nang marinig ang malakas na pagtawa ni Fernan.
“Bakit ka natatawa?” Tanong ko. Nagtataka siya sa ikinikilos ng lalaki.
“Yeah, Gavin is right kahit lasing alam ko pa rin ang ginagawa ko. Pilit kong binabalewala ang mukha ng taong nasa harapan ko at ini-imagine ko lang na siya ang nasa harapan ko.” Aniya. Hindi ko siya maintindihan kung ano'ng ibig niyang sabihin.
Instead na tanungin kung sino ang gusto niyang tukuyin iba ang sinabi ko. “G-Gusto mo bang kumain? N-Nagluto ako ng hapunan natin. Iinit ko na lang,” sabi ko at akmang aalis nang magsalita si Fernan.
“Alam mo hindi ko alam kung saan ka ba nag-aral, ha? O, talagang bobo ka! Hindi ka makaintindi. Ayoko sa iyo! Hindi kita mahal! Huwag mong ipilit ang sarili mo kahit lango ako sa alak ngayon. I don’t like you and I will never love you! Get out of my way! Lamunin mo ang lahat ng niluto mo!”
Nabigla ako sa sinabi ni Fernan. Parang tinarakan ng patalim ang puso ko dahil sa sinabi niya.
Napaatras ako. Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Tumayo si Fernan ngunit na-out of balance. Napaupo siya. Tutulungan ko sana ito ngunit tinabig niya lang ang kamay ko. Kahit hirap sa pagtayo ay nagawa niya. Pagewang-gewang naglakad palayo sa akin. Tumigil sa paglalakad si Fernan at nagsalita na hindi tumitingin sa kinatatayuan ko.
“You know what? You better get out of my life. Kasi nakakasuka ka! Hindi ako makahinga kapag nandito ka sa bahay ko!” Anito at natawa. “Oh, yeah, makapal pala ang pagmumukha mo na kahit anong sabihin ko sa iyo hindi ka tinatalaban!” Pagkasabi niyon ay tinalikuran na niya ako.
Tuluyang tumulo ang mga luha ko. Napahawak ako sa ibabaw ng dibdib ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil tanga ako, umaasang mamahalin ako ni Fernan. Ilang beses na niyang sinabi sa aking hindi niya ako mamahalin ngunit matigas ang ulo ko.