Episode 27

1659 Words

FERNAN Nang makauwi ng bahay ko ay tinawagan ko si Luna upang kumustahin ang anak ko. Nahihiya pa akong magpakita kay Bernadette dahil sa ginawa kong gulo last time. Alam kong galit siya. Hindi ko lang mapigilan ang inis sa kaibigan niyang si Braden dahil sa kahambugan ng lalaking iyon. Kung bakit sa lahat ng tao ay siya pa ang nakilala niya. “Luna, kumusta si baby Abigail?” “Ayos naman po, Sir. Nakatulog na siya. Pinadede ko na kanina, pero hindi po sa dede ko sa bote siya dumede.” Napailing ako sa biro ni Luna. “Nakauwi na ba si Bernadette?” tanong ko. “Wala pa po, Sir. Baka mamaya pa po uuwi yun. Dito po ba kayo matutulog?” tanong sa akin ni Luna. Nag-isip ako kung doon matutulog. “Hindi muna ako riyan matutulog. Madami pa kasi akong gagawin at tatapusin.” Pagsisinungaling ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD