The Forbidden Desires 16

2231 Words

"Kumain na tayo. Nakapagluto na ako," pinasadahan niya ng tingin ang manipis na dress na pantulog ko. "May mga bisita ako sa ibaba. Huwag kang bababa na ganyan ang suot mo." Ibinagsak ko ang tingin sa aking pantulog. Kagigising ko lang nang kumatok siya. Kahit madalas akong tanghaliin, wala siyang reklamo. Siya ang sumusundo sa akin sa agahan, tanghalian, merienda, at sa gabi'y ako naman ang madalas na magluto. Pagkatapos ng hapunan, sabay kaming naglilinis ng pinggan. "Sige. Maliligo muna ako..." Tinitigan niya ako. Tumango siya at saka niya isinara ang pinto. Hindi ako kaagad bumaba dahil nakakahiyang humarap sa ibang tao na kagigising lang. Nagawa ko pang maligo ng mabilisan at nagbihis ng maayos na damit para hindi mapagalitan ni Silas. Pababa pa lang ako sa hagdan nakakarinig na a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD