-----You can just skip this chapter and the next chapter if you can't tolerate torture----- My entire life changed when she had me kill one of her men. She forcefully poured the blood on my hand. She stained the blood on my hand. And I don't know how to wash it. Paulit-ulit kong naaalala ang mga nangyari. Sa loob lamang ng ilang oras, ilang buhay ang nasaksihan kong nawala. Ang isa sa kanila, ako mismo ang pumatay. Hindi matigil ang pag-kuskos ko sa aking mga kamay habang nasa ilalim ang mga iyon ng gripo. Patuloy ang pag-agos ng tubig doon pero hanggang ngayon nakikita ko pa rin ang dugo. Wala akong hinawakan na dugo sa pagkakaalam ko ngunit parang nag-mantsa sa mga kamay ko ang mga pulang likido na nakita ko sa araw na ito. Tumigil ako sa pag-kuskos sa aking mga kamay nang maramdama

