Nagulat ako nang takpan ni Jayson ang mga mata ko. Masaya siya habang ginagabayan ako sa paglakad. Natatakot ako, hindi kay Jayson kundi sa sarili ko. Para kasi sa akin parang ang laking pagkakamali ng nagawa namin sa bahay ng mga magulang ko. Hindi ko kayang maging komportable sa ngayon. Hindi ako mapalagay sa tuwing maiisip ko 'yon. Ang bilis ko kasing bumigay at narinig pa ng mga magulang ko. Tama, pwede niyong sabihin na sensitive akong tao, conservative o kaya maarte. "Para saan 'to?" gulat kong tanong nang tanggalin niya na ang mga kamay niyang nakaharang sa mga mata ko. Mabilis ko siyang nilingon na ngayon ay nakangiti lang at tinitingnan ang reaksyon ko. "Wala lang. Naisipan ko lang magluto ng hapunan," sagot niya. "Bakit may bouquet pa?" "Para sweet?" Napatawa siya habang hin

