Hindi pinayagan na pumasok sina Ysabelle sa loob ng mansion kahit na kinausap na niya ito ng maayos ay sadyang napakatigas talaga ng mga ulo ang dalawang bantay kaya idinaan na lang nila sa dahas ang laban dahil sa pagtutok ng baril ng isang bantay kina Ysabelle. Sumama ang timpla ng mga mukha ng mga lalaking kasama ni Ysabelle at handa na silang sumugod. Gayunpaman, hindi nasindak si Ysabelle sa pagtutok ng baril sa kanila. Hinarang niya lang ito sa pamamagitan ng pagharang ng kan'yang isang kamay at mabilis niya iyong nakuha. Lumaki ang mga mata ng isang bantay. "I said move! para wala ng masaktan ang isa sa inyo. Im warning you two," matigas na sabi ni Ysa. "Sa tingin niyo mam, makakapasok kayo ng ganito lang kadali?" Ngumisi ang isang lalaki. Napangiti naman ako nang makita kong pa

