Day 3........ Naabutan ko si Safhira na mag isang nakaupo sa labas. Tila napakalayo ng iniisip nito. Pansin kong pinahid niya pa ang luhang pumatak sa kan'yang pisngi. Patungo sana ako roon at Saglit akong natigilan nang marinig ko ang asawa kong nagsisisigaw na parang may idinadaing na sakit mula sa itaas ng kuwarto. Dagli akong napaakyat sa itaas upang tignan siya. Nang marating ko na ang kuwartong 'yon at nanatili lang na nakatayo sa may gilid upang hindi ako makita. Napahinto ako at sumilip sa nakaawang na pintuan. I saw my two eyes, na naglalaro pala ang mag ama na kunwaring may masakit sa kan'ya tapos nakapangbihis doctor ang kan'yang anak. Napatampal ako sa noo dahil sa maling akala. Akala ko kung ano na ang nangyari sa kan'ya. Naalala ko tuloy ang aking anak na babae na tatlong

