Matapos ang tatlong araw na pamamahinga ni Ysabelle, wala siyang sinayang na oras at panahon dahil agad din siyang kumilos. "Kuya! Natapos mo na ba yung pinapagawa ko sayo?" tanong ko nang magkita kami dito sa kan'yang opisina. Seryosong napatingin siya sa 'kin habang inaantay ko ang kan'yang sagot. May inilabas siya na kung anong bagay sa kan'yang drawer at kan'yang inilapag sa ibabaw ng mesa. Mga gamot at kung anu ano pa. May big and small syringe. Napangiwi ako sa nakita ko. Bigla tuloy akong naawa sa asawa ko dahil nasasaktan ako kung bakit kay dami namang gamot iyon. "Hindi ganun kadali makuha ang mga results test na pinasuri ko kay Doctor William dahil ang mga ibang Doctor dito sa Pilipinas na sumuri sa gamot na yan ay hindi din nila alam kung anong klaseng gamot ang pinatuturok

