Simula noong bumalik si Davis at nakumpirmang siya nga, agad kong pinaimbestigahan ito kay tito nang palihim. Marami ako gustong malaman kung ano ang nangyari sa kanya lumipas ang tatlong taon. Nais ko sanang ako ang gagawa sa pag iimbistiga ngunit hindi ko maiwan ang asawa ko dahil kay Safhira na siya ang palaging kasa kasama na dapat ay ako kan'yang kasama sa iisang kuwarto. Gusto kong maalala niya ko ngunit hindi 'yon kadali sa kan'ya upang maalala niya ko agad dahil sa sakit nitong amnesia. Lumipas ang mga araw na pamamalagi ko sa mansion, walang araw na hindi tumulo ang luha ko dahil sa sobrang selos. Ako dapat ang kasama at naroon sa loob ng kuwarto ng aking asawa. Sa tuwing nadadaanan ko ang kanilang kuwarto dinig ko ang halinghing ng bawat ungol na nanggagaling sa loob ng kuwarto

