Magkatabi kaming nakahiga ngayon sa higaan ko at nakayakap sa akin si Naja. Napatahan ko siya sa pag iyak. Tinakot ko kasing lalong hindi siya magugustuhan ni Henry kapag namumugto ang mata niyang gigising bukas. "Salamat Mika ha dahil andiyan ka. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala kayo ni Gracia." Aniya niya habang nakatagilid na nakayakap parin sa akin habang tuwid naman akong nakahiga. "Ayaw ko lang na umiiyak o nasasaktan kayo. Sana huwag mo masyadong pahirapan ang sarili mo ha? Susuportahan ka namin kung saan ka masaya." Habang hinahaplos ang buhok niya. "Ewan ko ba at bakit ganito na ako kabaliw sakanya na kahit may gusto siyang iba ay mas pinipili ko paring umasa na balang araw magugustuhan niya din ako." Sambit niya. Napabuntong hininga ako. Gustuhin ko man siyang tulungan

