Ilang araw ding laman ng isip ko ang gabing nakita ko ang pangalan ni Marigold sa phone ni Hen. Inaantay ko rin na may sasabihin si Hen sa akin pero sa araw araw na pagsasama namin ay wala itong sinabi tungkol doon. Naging tahimik ako at hindi na gaya ng dati ang pakikitungo ko sakanya at halos lahat ay napansin iyon. "Nagsisisi ka na bang magpakasal?" Biglang tanong ni Betty sa akin habang kaharap ang loptop. "Kailan pa nagsisi yan ehh highschool palang kami pangarap na niya yan pakasalan si Henry." Sabat ni Gracia. "Kung may problema kayo ay ayusin niyo na agad bago ang kasal. Hindi ko kayo papansining dalawa pag hindi natuloy ang kasal ninyo. Baka masabunutan ko pa kayo at maitakwil." Saad ni Naja na halata rin pagkabusy nito. Pinagsasabay niya na din kasi ang pagmamanage ng busin

