Hindi ko alam na hahantong ako sa sitwasyon na mararanasan ko rin ang mga naririnig na pinagkwekwentohan ng dalawa kong kaibigan at ibang mga kaklase ko patungkol sa crushes nila. I don't think I am one of them before dahil sa manhid ako? O talagang di ako interisado. But now I found myself thinking to someone. Smiling when I received a message from him and even when we accidentally meet each other in school. Lumipas ang ilang linggo at mas naging determinado sa akin si Amir lalo nang malaman niyang gumagalaw rin si Henry. Halos malaman ng buong basketball team at ng mga kaibigan ko na nanliligaw sa akin si Amir kaya kita ko ang saya sa mukha ni Naja na sa wakas ay pinayagan ko na daw siya pero di ko naman maipinta ang mukha ni Gracia kung masaya ba siya o naaawa sa akin. Kahit hindi ko s

