"Mika!!!" Napasapo ako sa noo ng marinig ko ang matinis at sigaw na tawag sa akin ni Gracia. Kahit kailan talaga tong babaeng to. Naramdaman ko ang kamay na kumawit sa magkabilang braso ko "Let's go!" Hila sa akin ng dalawang babaeng pinagitnaan ako. "Kanina pa kayo?" Tanong ko sa dalawa. "Nauna si Naja at sumunod naman akong dumating at as usual, huli ang prinsesa." Sabay tawa nilang parehas na kinatanggal ko ng mga kamay nila sa braso ko tinakbuhan sila. "Mika!!" Tawag ni Naja at sumunod namang tumakbo. "Wait! Di ako makatakbo!" Sabi naman ni Gracia na kinatawa namin ni Naja. Lalong tumaba kasi at mukhang alagang alaga talaga sa katawan at ayaw pakawalan ang fats na inaalagaan niya. Dahil sa parehas kaming nakatalikod ni Naja at paatras na naglalakad na tinitingnan si Gracia na hu

