Love Reconnecting Again

1847 Words
Jay’s POV Hindi na nga siya nakatanggi sa Lolo niya. Ang problema niya ngayon ay mukhang mag hahanap pa siya ng outfit sa maikling panahon. Hindi siya handa dito kasi ay kadadating lang niya at iyon kaagad ang inutos ng lolo niya. Naghanap na lamang siya ng pwedi suotin sa event. May nakita naman siyang Suit, mabuti na lamang at naisipan niyang magdala ng isang business suit. Pero napaka pormal naman kung ang 3pcs na iyon ang susuotin niya. Naligo na muna siya at nagbihis. Alas 6 ng gabi ay dapat naroon na siya sa Unibersidad. Sinuot na niya ang slim fit slacks na kulay khaki pero pinarisan na lamang niya iyon ng Black tshirt sa ilalim at pinatungan pa rin ng kaparis nitong coat. Ayun! outfit problem solve. 5:30 na ng hapon kaya ay nagpaalam na siya sa lolo niya at dumiritso sa garahi. Pinili niya ang bagong sports car ng lolo niya para mabilis tumakbo, dahil nagmamadali na siya. Pagdating sa Eskwelahan na pagmamay-ari ng pamilya niya ay nag park na lamang siya sa harapan ng event hall. Ngunit hindi niya akalain na magiging instant celebrity siya doon. Dahil pagkalabas pa lamang niya sa kotse ay pinagtitinginan na siya ng mga tao doon, lalo na ng mga batang estudyanti. May naglabas pa ng camera sa celpon at nakipag picture sa kanya. Halos magkagulo na rin sa loob ng event hall ng pumasok na siya. Para siyang bisitang artista doon, kaya naman ay wala siyang magawa kundi kawayan ang mga ito, baka pa sabihing suplado siya. He wear his beautiful smile din. Naaaliw rin siya sa attention ng mga bata sa kanya. Hanggang sa makarating siya malapit sa stage. Isang magandang dalaga ang sumalubong sa kanya na hindi niya akalain. Si Kim. Naka smile sa kanya. God! she’s even more prettier than the last time he saw her. She’s slender, balingkinitan ang katawan, at dahil maypagka crop top ang suot ay makikita ang makinis at maputing kutis sa tiyan kapag itataas ang kamay nito. He felt farm suddenly. His heart also bit faster. Meron pa ba siyang nararamdaman sa dalaga? He tried to forget her somehow but guess she still there, hiding inside his heart. Hindi na niya narinig ang sinabi ng babae dahil abala ang utak niya sa pag aadmire sa dalaga. Hanggang nakita nga niyang hawak nito ang garland at isusuot sa kanya ngunit dahil matangkad siya ay kailangan niyang yumuko. Isang pilyong desisyon ang naisip niya. He step forward closer to her at yumuko para maisuot ng babae ang garland, pero inilapit niya ang mukha niya sa mukha ng babae, like he is about to kiss her. Napatingin tuloy si Kim sa kanya. Nagtama ang mga mata nila kaya naman ay binigyan niya ito ng matamis na ngiti. Parang nataranta tuloy ang dalaga at agad na isinuot sa kanyang leeg ang kwentas at dali-daling nag patiunang lumakad. “This way Mr Perez” sabi pa nito na iginiya siya patungo sa kanyang upoan. Nang makaupo na siya sa kanyang upoan ay hindi na muling tumingin sa kanya ang babae. Sinundan na lamang niya ito ng tingin sa likod. Nag enjoy naman si Jay sa event. May mga masasarap pa na mga panghimagas at inumin ang inihanda sa mesa sa tapat nilang mga guest at VIP. Hanggang sa tinawag ang pangalan niya bilang guest speaker. It’s the guest speaker’s turn now to go on the stage to speak some words. Hindi siya nakapag handa dahil walang sinabi ang lolo niya. Na surprise pa siya doon. Nagpalakpakan ang mga tao ng marinig ang pangalan niya. May hiyawan Pa na parang excited ang mga audience sa artista sa stage. Wala na naman siyang magawa kundi ay pumunta sa stage para mag salita. Imprompto na lamang iyon. “Magandang Gabi sa ating lahat!” panimula niya. Nag respond din ang mga tao ng magandang gabi sa kanya. “It’s my honor to be one of the guests here tonigh! to be honest I was surprised that I need to speak here in front of you all, all I thought was I am only a proxy to my Lolo. kaya pag papasinsiyahan niyo na.” dagdag pa niya dito. Hiyawan at palakpakan naman ang mga tao bilang tugon. “This school was the fruit of my lolo and family’s grave efforts that’s why I am thankful that I am able to celebrate and commemorate how this school was built. And I am happy that the efforts of building this school was never in vain, I am happy to witness that our school are able to provide and secure our younger generations success and live their dreams”, dagdag ng binata. “We will continue to improve and even innovate the school’s ability and capacity to provide wider options in choosing younger generation professionalism and goals” “Again, thank you to all our students, parents, our guests, our beautiful and charming contestants and for all those behind this event, the people working hard to make this foundation day successful, maraming-maraming salamat sa inyo! God bless us all!” at yumuko pa ang lalaki bago bumaba at maglakad pabalik sa upoan. Walang humpay na palapakan naman ang lahat ng mga tao. Nakipag kamay pa ang mga guests kay Jay bago siya naupo sa kanyang upoan. Hindi na nakita ni Jay si Kim. Mukhang nasa backstage lang ang dalaga. Malapit na ring matapos ang events, naroon na sila sa announcing of winners. Isa -isang tinawag ang mga nanalo. Hanggang inannounce na ang Mr and Ms Campus winners. “And may we call on our Beloved Guests Mr James Paul Perez and Ms Hazel Santiago to present the awards to our winners, please come on stage Sir and Maam, Thank you!”, imbita ng emcee sa binata at sa isa pang guest na anak ata ng isa sa mga politico doon na nag silbing judge rin sa patimpalak para sila ang mag bigay ng sash at tropiyo sa mga nanalong kapareho. Tumayo naman ang binata sa kinauupoan at hinintay ang babaeng guest as a gentleman, at inalalayan pa ang babae ng paakyat na sila sa stage. There! nakita niyang muli si kim na hawak-hawak ang mga sash. Naka smile pa rin ito ngunit ayaw tumingin sa kanyang mga mata. Kinuha na lamang niya ang sash mula dito pero sinadya niyang sagiin ang kamay nito, bilang pang aasar. Nakita niyang napakislot ng bahagya ang babae ng masagi ng mainit niyang palad ang kamay nito pero hindi pa rin tumingin sa kanyang mga mata. Nasa hanggang leeg lang ata niya ang nakikita ng babae. Pagkakuha niya sa mga sash ay agad din namang umatras ang babae. Kinuha naman ng kasama niyang babae ang mga tropiyo na hawak naman ng isa pang babaeng katabi ni Kim. *** Pagkatapos ng awarding ay kabilaan ang pictorial. Halos hindi makaalis-alis si Jay doon. May nag imbita pa sa kanya ng piging, may pakain ang school sa mga invited guest at vip. Nais niyang tumanggi at umuwi na lamang ngunit nakita niya si Kim na lumabas mula sa backstage. Kinausap nito ang iba ding guest, Jay think she is also inviting the other guests to join the extended celebration. Kaya naman pumayag na si Jay. Ang piging ay sa loob lang din naman ng campus sa kabilang admin building. Pili lang ang naroroon, mga guro, mga guest at Vip’s, at siguro nga estudyanting may katungkulan gaya ni Kim. Self services Banquet iyon at catering kaya naman ay pila ang kumukuha ng pagkain. Nakita niyang pumila na ang mga kasamahan ni Kim, si Kim ay nawawala na naman. Pag lingon ni Jay sa pintoan ay may kasama na namang ibang guest. Napaka hands on naman ng dalaga kung ito ay ang event organizer. Seryoso sa tungkulin. Nasa upoan lang si Jay hinihintay ang pagkakataon na pipila ang dalaga doon sa buffet. At parang ang dasal niya ay natupad naman dahil kumuha na nga ng plato ang dalaga at naki pila na rin. Dali-dali na siyang kumuha rin ng plato at sumunod sa babae. Nasa likuran lang siya nito na parang anino. Nang akmang kukuha ng fried chicken ang dalaga ay dali-dali niyang inagaw ito bago pa nito makuha ang manok. Kaya naman ay napatingin ito sa likuran kung sinong nang-agaw ng manok niya. Isang nakakalokong ngiti ang ibinigay niya sa babae ng makita siya sa likuran. Kinuha ni Jay ang pirasong manok at inilagay sa pinggan ng dalaga. Napakunot noo tuloy ang dalaga. “Sorry, it’s for you!”, sabi na lamang niya. “Thank you!” maikling sagot nito. ‘Is she mad at me? why she is distant and cold?’, sa isipang ng lalaki. Nakita niyang may tiningnan ang dalaga mula sa likuran niya at pagkatapos ay nagpaalam. “Mauuna na ako Mr Perez”. ‘Ha? bakit?’, tanong muli ni James sa sarili. At iyon pala ay nasa likuran niya si Ms Santiago. “Would you mind if I join your table Mr Perez?”, tanong pa nito sa malambing na tinig. “No, it’s okay!” nasagot na lamang niya dito. Pagkatapos kumuha ng pagkain ay dumiritso na nga siya sa bakanting mesa, kasunod ang babae na parang buntot niya. Nakita pa niya sa sulok ng mga mata niya si Kim na kumakain na ngayon kasama ang mga kasamahang estudyanti. Sa gitna ng pagkain nila ay maya-maya ang pagtatanong ni Ms Santiago sa kanya. Na sinasagot din naman niya sa pinaka-maikling sagot, ayaw na niyang palawigin ang kanilang pag-uusap. Nang mapansin ng babae ang pagiging cold niya ay tumahimik naman ito. Sa wakas! Pagkatapos kumain ay nagpaalam na si Jay sa mga taong naroon. At dumiritso na sa saksakyan niya. Hindi na naman niya nakita si Kim pagkatapos kumain. Sa tingin niya’y iniiwasan siya ng dalaga. Ngunit hindi pa siya nakakalayo mula sa eskwelahan ay natatanaw niya ang dalaga na nag hihintay na ng masasakyan. Nauna na pala itong umalis. Hinintuan niya ito sa tapat mismo ng dalaga. Nagulat pa ito sa ginawa niya. “Sumabay ka na sa akin, malalim na ang gabi at kakaunti nalang ang pumapasada ngayon, baka ano pang mangyari sa iyo sa daan!”, sabi pa niya ng mabuksan niya ang bintana ng sasakyan niya. “Hindi na, meron pa namang pumapasada”, at lumayo pa itong kaunti sa sasakyan. “Sige, hihintayin kita hanggang makasakay ka na!”, sabi na lamang ni Jay dito. Pinatay na ni Jay ang makina ng sasakyan dahil parang matatagalan bago makasakay ang babae. Hanggang sa bumuhos na nga ang ulan. Parang automatikong binuksan ni Jay ang pintoan ng sasakyan niya sa passenger side. No choice si Kim kundi pumasok doon kundi mababasa siya. Malayo-layo na kasi kung babalik siya sa loob ng unibersidad. “Salamat!”, maikling sagot na naman nito sa kanya. “You have no choice kundi sumabay sa akin, kaya ihahatid na kita sa inyo!” Talaga namang wala nang option ang babae kundi ang tumango na lamang. Kaya naman ay pinaandar na ni Jay ang sasakyan and off they go.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD