Her First Heart Break

1562 Words
Kinaumagahan habang nag aalmusal sila ay nagpaalam na rin ang matandang lalaki sa kanila. “Jay, Kim, mamaya ay uuwi nako sa probinsiya. Sumunod kayo kapag bakanti kayo, okay?” “Lo, I am sorry! I have urgent meeting with clients today at sa sabado, baka hindi kami matutuloy sa pag-uwi sa probinsiya ngayong weekend but I will make sure of it nextweek po Lolo!”, anas ni Jay na may paghihinayang din. “It’s alright Jay, maghihitay nalang ako sa inyo nextweek!”, wika ng matanda Tumango naman ang dalawa. “Mag-iingat po kayo sa biyahi, Lolo!” anas pa ni Kim. “Kayo din mga apo!” *** Parehong ganap lang din ang sa araw nilang iyon nina Kim at Jay. Lumabas sila sa tanghalian at sabay na kumain sa masarap na restobar. At sa uwian naman ay muling hinintay ni Jay si Kim para magsabay na rin silang umuwi. Habang nasa biyahi ay napag-usapan nila ang tungkol sa napipinto nilang bakasyon sa probinsiya. “Jay, Ikaw na ang bahala kung kailan, alam ko namang busy ka at importanti palagi ang trabaho mo”, anas ni Kim. “I will make sure Nextweek, para mabisita mo na rin mga parents mo!”, sagot ng binata. “Okay, Mas mabuti sigurong mag file na rin ako ng leave para mas mahaba ang bakasyon natin sa probinsiya!”, sagot ni Kim sa binata. “That’s a good idea para mas marami tayong oras doon!”. “Okay, ipapasa ko sa lunes ang leave application ko!”, wika ng dalaga. “Do you want something to eat today? ipagluluto kita!”, dagdag pa ni Kim sa binata. Jay was surprise sa sinabi ng dalaga na ipagluluto siya nito. Kinilig nga siya sa cookies at muffins noon na para iyon sa kanila ng lolo niya, ano pa kaya ngayon na she specifically said that She will cook for him. Napangiti siya ng lihim. “Ahmm.. I think I want some chicken curry, can you cook it for me?”, anas pa ng binata. “Yep! that’s one of my Nanay’s expertise, I’ll try ko kung magaya ko ang luto ni Nanay!”, anas pa ng dalaga. Paid off pala ang palaging panonood niya sa Nanay niya tuwing nag luluto ito noon. Natuto siya paano magluto ng mga dishes. Maya-maya pa ay naroon na nga sila sa Mansiyon. May kakaibang katahimikan nga sa Mansiyon ng umuwi na ang lolo ni Jay sa probinsiya, sila lang ang nandoon maliban sa mga kasambahay. Pagkatapos magbihis ay nagtungo na sa kusina si Kim, husto namang hindi pa nagluluto ng ulam ang cook nila Jay. Tinulungan naman siya ng mga kasambahay iprefer ang lulutuing ulam, gagawa na din siya ng vegetable salad at mangoe float for dessert. Habang si Jay ay naroon sa study room to finish some works. Wala pang isang oras ay naluto na ang ulam nila at ready na ang haponan. Pinuntahan na ni Kim si Jay sa study room nito. Akmang tatawagin na ni Kim ang binata pero narinig niyang may kausap ito sa cellphone. “No Sab! I won’t be available tonight. I have works to do sa house! Kayo na muna diyan!”, narinig niyang sabi ni Jay sa telepono. Tapos katahimikan, siguro ang sa kabila ang nagsasalita. “Oh no? I forgot! I am sorry Sab! okay! wag ka nang magtampo. Susunod ako pagkatapos nitong trabaho ko!”. ‘Sinong Sab ang kausap ni Jay? At aalis ito ngayong gabi?, sa isipan ni Kim. Narinig na niyang nagpaalam na ang binata sa kausap kaya ay kumatok na siya sa pinto kahit bahagya na naman itong nakabukas kaya nga narinig niya ang usapan nito sa cellphone. Hindi alam ni Kim bakit bumigat ang pakiramdam niya pagkarinig na may kausap ito sa telepono, at mukhang babae pa ata ito. Nagseselos ba siya? Iwinaksi na lamang niya ang isipin. Pumasok na siya sa silid pero nanatili lamang sa may pintoan. Nirerespito parin niya ang privacy ng binata lalo na sa usaping personal at sa trabaho nito, he might have confidential papers or information there sa study na ayaw ng binata na makita niya. “Jay, dinner is ready!” anas niya sa binata. “Okay, thank you! bababa na ako!”, tugon naman nito. Bumaba na rin si Kim pagkarinig sa sagot ni Jay, hindi na niya hinintay ang binata. Maya-maya naman ay naroon na sa dining area si Jay. “Here’s your request your Majesty!”, biro ni Kim sa binata na pinilit pang ngumiti ng matamis sa kabila ng bigat ng loob na nararamdaman ngayon. “Wow! it looks appeticing!” anas nito na inamoy pa ang mangkok ng ulam. “Mmm.. amoy pa lamang ay matatakam kana!”, dugtong pa nito. “Thank you! Sige kain na tayo!”, anas ni Kim at nilagyan na niya ng kanin ang plato ni Jay. Nag umpisa na silang kumain. “Mmm… as expected Kim! ang sarap ng luto mo!”, anas ng binata na maganang kumakain na ngayon. “Thank you!” anas ni Kim na kumakain na rin ngunit parang walang gana. Napansin naman ito ni Jay. “Kim, are you sick? seems you don’t have appetite?” “Ah! hindi. Huwag mo akong pansinin. Ganito talaga ako kapag ako ang nagluto, para bang nabubusog na ako sa amoy ng niluluto ko. I am okay. Dont you worry!”, pagsisinungaling niya sa binata at ngumiti pa para hindi na ito mag-alala at magtanong pa. Sa totoo lang siya pa ang unang matatakam at excited kumain sa mga luto niya, but not tonight after she heared and learned that he will go somewhere tonight and will be with someone else. Nagseselos nga siya. Selos na walang basehan at wala siyang karapatan. Hanggang matapos na silang kumain ay pinilit na ni Kim pasiglahin ang mood niya. “Oopss.. I almost forgot, we have a dessert. Kukunin ko muna!”, anas ni Kim. At nagmadali na siyang nagpunta sa kusina at ng magbalik ay may dala ng tupperware. Its the creamy mangoe float na ginawa niya kanina. Binigyan niya si Jay ng isang hiwa na nilagay niya sa platito. “Oh? mangoe float! How did you know it’s my Favorite!”, anas pa ng binata. “Natatandaan ko kasi noon, nung may party sa bahay namin, madali mong nasimot ang isang platong mangoe float, so I’m thinking you like it so much!”, anas ng dalaga. Natawa si Jay sa narinig. “I did’nt know you’re that observant huh? napansin mo tuloy ang lakas kung kumain!”, anas pa ng binata. Napangiti na rin si Kim. ‘Sa iyo lang naman ako observant, Jay! dahil ikaw lang nakikita ko palagi!’, sa isipan na lamang ni Kim. Pagkatapos nilang kumain ay naisipan ni Kim na magpahangin sa labas at maglakad-lakad. Si Jay naman ay bumalik sa silid. Possibleng naghahanda na itong umalis. Ngunit ilang minuto ang lumipas ay naramdaman ni Kim na sumunod sa kanya ang binata sa labas. Napansin niyang nakaligo na ito dahil basa pa ang buhok. “Hey! Why you’re here alone?” tanong pa nito. Lumingon naman si Kim kung saan galing ang nagsalita at ngumiti kay Jay ng makita ito. “Nagpapahangin lang, pampaantok at ang ganda ng view dito sa inyo ha! overlooking sa City. Bihira ang may ganitong tanawin tuwing gabi kaya sinisimot ko na habang andito pa ako!”, anas ni kim. Hindi sumagot si Jay sa kanya. “Kim, you can stay here all you want and watch the view everynight!”, sagot naman ng binata sa kanya. Ngumiti ulit si Kim sa binata ngunit hindi ata umabot sa mata niya ang ngiting iyon. Akmang may sasabihin pa ang binata ng mag ring ang cellphone nito. Hindi agad nito sinagot ang tawag ngunit hindi rin nagpatuloy sa sasabihin. “Jay, sagutin mo muna ang tawag baka importanti iyan”, anas ni Kim. Sumunod naman ang binata at kinuha na ang cellphone. “Excuse me, I’ll be quick!”, paalam nito at lumayo na bago sagutin ang tawag. “Sab!”, sagot ni Jay sa telepono na narinig pa ni Kim kahit malayo na ang binata. Natawa ng pait si Kim. Wala ang Lolo ni Jay sa mansiyon ngayon kaya magagawa ni Jay lahat ng gugustuhin. No need for them to pretend. Ilang minuto ang lumipas at bumalik naman si Jay sa kinaroroonan niya. “Kim, I will be out tonight to attend my bestfriend’s birthday party but I will be back soon, okay?”, paalam nito sa kanya. “Hindi ka naman dapat magpaalam sa akin, Jay. But yeah! thanks for letting me know. Mag enjoy ka doon! No need to rush back home”, anas pa niya dito na as usual, tinatago ang sama ng loob sa isang malambing na ngiti. “Papasok na rin naman ako mamaya-maya. Don’t worry about me!”, dagdag pa niya dito. Ngumiti din si Jay sa kanya at tumalikod na, mayamaya pa ay nakasakay na ito sa kotse pagkaraan. At nakita pa niyang nagmadali na ang binatang makaalis. Napabuntong hininga na lamang si Kim nang makitang nakaalis na ng tuluyan ang binata. A tear fill on her checks na hindi namalayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD