Literally, Fell into his Arms

1412 Words
Pasado alas 11 na ng makauwi si Jay sa bahay. Pagpasok niya sa silid ay wala sa kama si Kim. Akala niya’y natutulog na ang babae. Hahanapin niya ito para kausapin. Kukuha na muna siya ng damit pambahay kaya nag punta na siya sa wardrobe. At siya namang pagbukas at paglabas ni Kim mula sa walk-in closet nila. Nagulat sila pareho at muntik na ngang matumba si Kim dahil umatras ito at nawalan ng balanse. Maaganap naman siya at sinalo ang babae at niyakap upang hindi tuluyang bumagsak sa sahig, ngunit siya din ay nawalan ng balanse kaya naman ay bumagsak silang tuluyan sa sahig, sa ilalim si Kim habang si Jay ay nakadagan sa kanya, mabuti na lamang at ang ulo ni Kim ay nasalo ni Jay sa isang kamay at nagsilbing unan doon. Napapikit si Kim dahil sa inaakalang impact na paparating. Pero ang naramdaman niya ay ang kamay ng binata protecting her. Nagmulat ng mata si Kim. At nakita ang guapong mukha ng lalaki at mga matang nakatitig sa kanya. May pag-aalala sa mukha ng lalaki. “You’re alright Kim?” “Ah.. O-oo”, na uutal na sabi ng babae. Halos hindi siya maka hinga dahil nakadagan sa kanya ang lalaki, hindi dahil sa mabigat ito kundi sa magkakalapit na naman ng kanilang mga katawan. Unang nag bawi ng tingin si Kim. Dapat kontrolin niya ang sarili dahil siya din ang kawawa sa huli kung bibigay siya dito hindi dahil babae siya kundi dahil mahal niya ang lalaki. At itinulak na niya palayo si Jay. “I am sorry Jay! hindi ko alam na nariyan ka na!pala”, at akma ng bumangon si Kim. Umalis na naman sa pagkakadagan si Jay sa kanya at tumayo na, inalalayan pa siyang makatayo na rin. “I am sorry too Kim! I was surprised too! I am about to get change”, anas ng binata. “Ahm.. sige! mauuna na ako upang makabihis ka na rin”, wika ng babae at umalis na ito at naiwan si Jay. It seems to him that she’s a bit cold. Baka na overwhelmed lang sa pagkakabagsak at pagkagulat. Ikinabit -balikat na lamang iyon ng binata. Pagbalik ni Jay sa kama ay naroon na ang dalaga at wari’y tulog na ito. Nakatalukbong pa ng kumot. Sumampa na rin si Jay sa kama at humiga sa tabi ng babae. Hindi na lamang niya inisturbo ang dalaga na bumaling pa patalikod sa kanya. He badly wants to hug her pero baka mas magalit ito sa kanya. Kaya tatahimik na lang muna siya sa tabi. Kinabukasan ay maagang nagising si Kim kahit walang trabaho kasi ay sabado. Naisipan niyang magpunta sa Gym ni Jay. Hindi pa naman ito mag gygym hanggang mga alas 8 ng umaga. Tulog pa ito sa ngayon. Kaya she choose an outfit na babagay sa Gym. She choose cycling shorts and sports bra na sinuotan pa rin niya ng crop tee. Itinaas din ang buhok at binuhol. At nagsuot ng running shoes. Pagkatapos makapagbihis ay nagtungo na siya sa Gym. Wala naman siyang balak mag tagal doon kahit mga 30 mins lang din. Nag dala pa siya ng earphone para makinig ng music habang tumatakbo sa treadmill. Dumiritso na siya doon at binuhay niya ang makinang pang ehersisyo at nag simulang naglakad. At maya-maya pa ay tumatakbo na siya habang nakikinig ng musika. Pero hindi maiwasan ng babae na balikan ang nangyari kagabi ng bumagsak sila pareho ng lalaki sa sahig. Habang nakadagan si Jay sa kanya at napakalapit ng mga mukha nila ay naamoy ni Kim ang pabango ng babae. Alam niyang hindi kay Jay ang amoy na iyon at alam niya ang kaibahan ng pabangong panlalaki at pambabae. Kumapit sa damit ng lalaki ang pabango ng kung sino man ang babae na kasama ni Jay kagabi. At alam niyang hindi kakapit ang pabangong iyon kung hindi magkadikit ang mga katawan ng dalawa. Just in those thoughts alone ay nasasaktan na naman siya. Jay is only really using her as fiancee in front of his Grandfather at ngayong wala dito ang matanda ay malaya itong kinikita ang babaeng gusto nito. It’s her fault too. She deserve this hurtings dahil nagpagamit siya, hinayaan lamang niyang mangyari ang lahat. Masaya siyang kasama ang lalaki, akala niya’y sapat na rason iyon para manatili dito, pero wari’y naghahanap pa siyang tugunin din ng lalaki ang nadarama niya, na mahalin din siya ng lalaki. Batid niyang may Physical attraction silang dalawa pero lalaki si Jay at babae siya, and they live and sleep in one room, of course may attraction but hindi ibig sabihin doon ay mahal din siya ng lalaki. She don’t want to make the first move. She don’t want to make mistakes. Ayaw niyang kaawaan siya ng binata, ayaw niyang matali na naman si Jay sa relasyong ayaw nito. If he loves someone else, she will let him be, kaya nga nila ginawa ang pagpapanggap para sa kalayaan ni Jay na pumili ng mamahalin at pakakasalan. Hopefully she will ever forget him after this show is over. Hindi na namalayan si Kim ang oras, tumatakbo lang siya ng wala sa sarili. Hanggang naramdaman niyang sumakit ang paa at hindi na siya makagalaw. Dali-dali niyang pinindot ang stop button doon pero mukhang huli na ang lahat. Babagsak siya mula sa treadmill dahil umaandar pa rin ito at hindi na siya tumatakbo. Pero may sumalo sa kanya bago pa siya tuluyang bumagsak sa sahig. Pero namimilipit talaga siya sa sakit kaya kahit hawak siya ng sino man ngayon ang sumalo sa kanya ay napaupo pa rin si Kim sa sahig na hawak-hawak ang paa na umiiyak sa iniindang matinding sakit. “Stretch your legs Kim!”, narinig niyang pasigaw na sabi ng lalaki. It was Jay! Nagmulat ng mata si Kim. At nakita niya ang pag-aalala nito sa kanya. Jay suddenly took off her shoe, he stretch her leg, she has a muscle cramps on her calf, he then pull her toe back and facing upward. At maya-maya pa ay nawala na ang muscle cramp ni Kim at unti-unti ng nawala ang matinding sakit. “Kim! why are you exhausting yourself? You will hurt yourself if you will run like that!”, wari’y pagalit na turan nito sa kanya. Hindi sumagot si Kim kundi patuloy lamang na umiyak. Naramdaman na lamang ni Kim ang yakap ni Jay. Niyakap siya ng mahigpit ng lalaki at hinahagod ang likod wari’y pinapakalma. “I am sorry! I didnot meant to shout at you! I’m just worried! tahan na!”, awat nito sa kanya. Tiningnan siya sa mukha ng lalaki at pinahid ang mga luha doon. Si Kim ulit ang unang nagbaba ng mukha. “Thank you Jay for always there to save me. And sorry talaga nag-alala ka pa sa akin!”, anas ng babae na nag iwas na ng tingin sa binata at akma ng tatayo. “Wait! masakit pa iyan! I will get you a warm towel, just stay there!”, anas pa ng binata. Tumango-tango naman si Kim. Masakit pa nga ang bahaging iyon ng papa ng akmang tatayo na siya, nagulat siguro ang mga muscle niya ng tumakbo siya ng mabilis ay walang proper stretching kanina. Bumalik nga si Jay na may dalang hot compress. Ito pa ang naglagay doon sa paa ni Kim. “Ako na Jay! kaya ko na ‘yan! salamat!”, at kinuha na ni Kim ang hawak na bag. Binigay naman iyon ni Jay sa kanya. “Okay na ako Jay! babalik na muna ako sa silid, mag exercise ka na diyan baka ma-late ka pa sa meeting mo sa client mamaya!”, anas nito na wari’y pinagtatabuyan siya. Umalis na rin si Kim na pa ika-ika pang naglakad. Akma pa niyang alalayan ito ngunit suminyas itong huwag na at doon lang siya. Hindi na naka-imik at nakagalaw si Jay sa kinatatayoan. Tinitingnan na lamang niya si Kim na papalayo na. *** Pagdating ni Kim sa silid ay pagalit na inihagis ang compress bag. Wala lang. Galit lang siyang naaalala muli ang napansin kagabing perfume ng babae. At ang isiping ganoon din ka maasikaso at maalalahanin si Jay sa ibang babae ay nakakapagpakulo ng dugo niya. Wala siyang karapatan mag selos kaya magdadabog na lamang siya dito. Nang mahimasmasan ay nagtungo na ng banyo si Kim at naligo, pinili niya ang hot shower para sa muscle at puso niyang nasaktan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD