Hindi maalis-alis ni Jay ang mata niya sa kumakanta na ngayong babae.
It was like he was being pulled by magnets.
Maganda ang boses ng babae kasing ganda ng mukha nito.
Kaya naman ay hindi na niya napigilang lapitan ang babae. Bahala na kung may nobyo na ito.
“Nice singing!” anas niya dito.
“Salamat!” midyo namula pa ang babae sa mukha sa papuri niyang iyon. Nakita ni Jay.
Ngunit itong pilyang kapatid niya ay bigla na lamang binigay sa kanya ang isa pang microphone. Kasabay ng pag tugtog ng isang musika. ‘King and Queen of hearts’
“Para sa inyo ‘yan kuya! kantahin nyo ha! bawal tumanggi, ang tumanggi may penalty!”, natatawang sabi pa nito.
Saan ba natutunan ng kapatid niyang ito ang mga ganitong bagay, akala niyay sosyal ito at laking amerika eh mas bagay pala ito dito sa Barangay nila. Para kasing hiyang sa karaoke at inuman.
Natatawa na lamang si James. At tinanggap ang hamon.
Palakpakan na may kasamang sigawan ng panunukso ang kasunod.
“We're the king and queen of hearts”, panimula niya sa kanta. Hiyawan ulit ang mga ka-barangay nila.
“Hold me when the music starts
All my dreams come true
When I dance with you”,
Tiningnan niya ang katabing si Kim. At hawak pa nga nito ang isang microphone.
“Promise me you're mine tonight”, kinanta rin ni Kim ang kasunod na lyrics. Palakpakan na naman ang mga tao sa paligid.
“I've been waitin' lyin' tonight
While the lights are low
I'll never let you go!”, Napatitig na lamang si Jay sa babaeng kumakanta sa tabi niya.
At napabalik sa kasalukuyan ng bumirit na ang chorus.
At kinanta nila pareho ang kasunod na lyrics na lumalabas sa TV.
“Did I dream that we danced forever
In a wish that we made together
On a night that I prayed would never end…
No, it's not my imagination
Or a part of the orchestration
Love was here at the coronation
I’m the king and you're the queen of hearts”.
Puro nakatitig sa mga mata ang dalawang nag duet na ngayon sa kinakantang musika.
Hiyawan tuloy ang mga tao at tinutukso sila.
Napayuko tuloy si Kim, siguroy hindi na kinaya ang mabibigat niyang mga titig. Iwan niya kung bakit na babato-balani siya sa babae.
Nais niyang dalhin ito mas malapit pa, gusto niyang yakapin ito.
Parang nadadala siya sa kanta o sa sariling damdamin ngayon.
Hanggang matapos ang kanta ay parang si Kim lang ang nakikita niya doon.
“More! more!” sabi pa ng mga tao doon.
Tumanggi na si Jay. Maging si Kim at ibinigay na ang microphone pabalik kay Jenny.
Umupo na si Kim sa kalapit na mesa, sumunod naman doon si Jay.
Isang love song ulit ang tumugtog puro si Jenny na ang umawit doon. Mukhang sosolohin ang duet na kanta.
Ngunit ng nasa Male part na ang kanta ay biglang may binatang kinanta ang bahaging iyon.
Pagtingin ni Kim ay ang nakababatang kapatid pala ang naglakas loob at hindi inasahan nilang kumanta.
Palakpakan ulit ang mga tao at nagtatawanan rin dahil halatang nahihiya ang binata sa dalaga.
“Pasaway talaga itong Miguel na ‘to!”, anas ni Kim.
“Well.. atleast he is bold enough to face and to sing the song with Jenny kahit nahihiya!”
“Totoo naman, pero walang hiya talaga ‘yan sa totoo lang, sa kapatid mo lang nahihiya ngayon!”, dagdag pa niya.
Natatawa naman si Jay kay Kim.
“Ang harsh mo naman sa kapatid mo!”
“Eh.. puro cellphone at basketball lang inaatupag niyan eh, hindi na mautusan sa bahay!”, reklamo pa ng dalaga.
“Ganyan na siguro ang mga kabataan sa ngayon, mahilig na sa cellphone at gadgets”
“Teka! hindi ka pa kumakain. Tara, ikuha kita ng pagkain”, hinila na niya papasok ng bahay si Jay.
Nakita rin niyang hinatiran na ng nanay niya ng pagkain, panghimagas at inumin ang kapatid na babae ng lalaki.
Si Don Franco ay busy sa pakikiusap sa mga matatanda sa loob ng bahay. Tapos na pala itong kumain.
“Maupo ka riyan Jay, ipaghahain kita!”
At dali-dali ng umalis si Kim.
Umupo na rin si James sa bakanting upoan sa hapagkainan ng pamilya. Siya nalang siguro ang hindi pa nakakain.
Tapos na siguro ang lahat kanina kaya ngayon ay nagkakantahan at nag iinuman na ang karamihan.
Hindi naman nagtagal ay may dala ng mga pagkain na umuusok pa si Kim.
Ipinaghain siya nito. Maging ang kanin ay ito ang sumandok.
Nang ready na ang lahat at siya nalang ang kulang para susubo, ay nag angat na ng mukha ang babae para mag salita.
“Ka..” hindi na natapos ni Kim ang sasabihin dahil napakalapit pala ng mga mukha nila.
He even leaned more para mas makalapit ang mukha nito sa mukha ng babae.
Hindi alam ni Kim kung pipikit o hindi parang ikikiss siya ng lalaki.
Pinili ni Kim na pumikit na lamang.
Ngunit may kinuha lang naman pala itong butil ng kanin na dumikit sa buhok niya malapit sa noo ang binata.
Napatikhim si Kim at agad na lumayo dito.
“Ahmm.. May isang butil sa buhok mo..”, sabi pa ng lalaki, wari’y nag papaliwanag.
“Ah.. sige kain ka na!”
Tumalima naman ang lalaki at kumain na.
Tahimik lang sila sa hapagkainan.
“How about you, tapos ka nang kumain?”
“Oo kanina pa, busog na busog pa nga ako!”
“By the way, what’s your plan after graduation?”, out of the blue na tanong ni Jay just to keep their conversation kasi na iilang na si Kim. Napapansin niya iyon.
“ahmm.. Mag re-review na muna ako para sa licensure exam at pagkatapos na ako mag-aaply ng trabaho!”
“Do you still wants to work in Maynila? pwedi ka sa isa sa mga company namin doon”
“Pag-iisipan ko pa kung mag mamaynila ba talaga ako. Baka mamimiss ko lang ang pamilya ko doon, ang layu pa naman”
“Just let me know if ever kung saan mo gusto, may bakanting trabaho para sa iyo saan mang Kompanya namin ka gustong magtrabaho”
‘Maging sa aking puso ay malaki ang puwang mo dito!’, dagdag pa ni Jay na nasa isipan na lamang.
“Salamat talaga sa inyo ni Don Franco malaking tulong at pagkakataon ang binigay niyo sa akin!”, anas ng dalaga.
“Teka at Ikukuha kita ng maiinom!”, dagdag pa nito.
Tumango na lamang si Jay dito.
Mabilis namang nakabalik ang dalaga dala ang isang baso ng malamig na juice.
Papalapit na ito sa mesa ngunit ay hindi niya namalayan ang pusang si Mengmeng na humarang sa daraanan at natalisod si Kim dito.
Natumba si Kim paharap, mabuti na lamang at maagap si James at mabilis na sinalo payakap si Kim. Ang dalang inumin ay natapon sa suot nilang dalawa.
“Naku! nabasa ka pa tuloy, hindi ko talaga napansin si Mengmeng!”
Ang pusang may kasalanan ay tumakbo na palayo.
“I’m okay! no problem!” anas ng binata.
Napansin ni Kim na talagang yakap siya ng binata ngayon.
May kakaibang napupukaw na damdamin sa loob-loob ni Kim na hindi niya mawari.
Maging ang binata ay hindi rin siya binitawan kahit ilang minuto na silang ganoon ang posisyon.
Nakita pa niyang parang lumunok pa ito ng laway kasi kumilos ang adams apple nito.
Kaya siya na ng kumilos at baka ay may makakita pa sa kanila ngayon sa kusina, tumayo na siya at bahagyang lumayo sa lalaki.
“Maraming salamat kung hindi ka maagap baka ay may third eye na ako ngayon dahil butas ang noo!”
Natawa naman ang binata sa joke niya.
“Ahmm.. pwedi kang maglinis siguro sa banyo kasi alam kong malagkit ang Juice sa balat”
“Tara! samahan kita!”, anas pa ng dalaga.
“Ha!?” nagulat pa ang lalaki.
“ I mean, samahan kita kung saan ang banyo”, paglilinaw niya dito.
Tumango naman ang lalaki, pero may lihim na ngiting sumilay ng hindi nakatingin ang dalaga.
Hinatid na nga siya ni Kim sa banyo para atleast makapaglinis siya sa natapong inumin sa katawan niya.
“Pasensiya na talaga Jay ha, babalikan kita, Baka makahanap ako ng pweding pampalit sa suot mo.”, at madali ng umalis ang dalaga.
Pumasok na rin siya sa loob ng banyo at nagbanlaw. Hinubad na niya ang polo shirt na basa nga ng malagkit na inumin.
Maya-maya pa ay naroon na si Kim sa labas ng banyo.
“Jay andiyan ka pa sa loob?”, tawag nito sa kanya.
“Oo, palabas na”, at lumabas na nga siyang walang pang itaas at bitbit na lamang nabasang damit.
Nakita niyang nanlaki ang mga mata ng dalaga ng makita ang hubad niyang katawan.
Na amuse tuloy si Jay sa nakikita. Namumula na naman ang babae at hindi makaharap sa kanya ng diritso.
“Magpalit ka muna nitong Tshirt. Kasya siguro iyan sa iyo! hindi pa iyan nagagamit kasi malaki kay Miguel!”, sabay abot nito sa Tshirt sa kanya na hindi pa rin tumitingin sa kanya.
Isang pilyong ideya ang pumasok sa isipan ng lalaki.
Imbis na kunin ang tshirt ay humakbang siya papalapit sa babae at sinadyang ilapit ang walang damit niyang katawan sa kamay nitong nakaangat na may hawak na damit.
Kaya naman ay nasagi ni Kim ang muscle niya sa tiyan.
“Ano ba iyan Jay! kunin mo na nga iyang tshirt at isuot mo na!”, hindi pa rin tumitingin na sambit ng babae.
“Bakit ba kasi ayaw mong tumingin, hindi ka pa ba nakakita ng lalaking walang pang itaas?” biro pa nito sa kanya.
“Nakakakita na, pero iba kapag ikaw!”, anas ng babae. Huli na para marealized ang sinabi.
“I mean.. basta! isuot mo na iyan!”, dagdag niya pa dito ng napansing hindi nakasagot ang binata sa naging sagot niya at mataman lang siyang tinititigan nito.
“Kim, anak nasa kusina ka ba?”. Narinig niyang tawag ng nanay niya sa kanya.
“Ah, O-opo Nay!”, sigaw niya dito.
Salamat naman! She was save by her Nanay sa awkwardness na nangyayari ngayon sa kanila ni Jay.
“Jay, magbihis ka na at pupuntahan ko si Nanay!”, dali-dali niyang paalam dito bago nagmadaling umalis na.