“WHAT? Nahihibang ka na ba? Hinding-hindi ako papayag sa gusto mong mangyari!” mariing tutol ni Jhona. Nang malaman niyang si Chantalle ang papakasalan ng anak ay biglang umiba ang timpla ng tono ng pananalita ng kanyang ina. Hindi nito inaasahan na sa isang katulong ang magiging mapangasawa ng anak. Ano na lang ang iisipin ng kanilang mga kaibigan at kakilala kapag nalaman ng mga ito na ikakasal ang abogadong anak sa isang hamak na katulong. “Look Ma, marami siyang naitulong sa akin lalo na sa recovery ko. Gusto ko lang siyang itali sa akin at ayaw ko siyang mapunta sa iba!” “That’s bullsh!t! Hindi ko maiintindihan kung bakit bigla ka na lang ganyan. Do you love her?” tanong ng kanyang ina. “Yes Ma,” agad namang sagot ni Jave. “How could you love her in a short time. Ni wala nga kayo

