“AYAN maayos na nating nagamot ang braso mo!” Masayang ibinalita ng doctor na maaari naman agad kaming makauwi nang malapatan niya ang braso ko ng gamot. Hindi naman ganoon kalala ang natamo kong paso nang matapunan ng mainit na sabaw. “Salamat Doc.” Pagkatapos niyon ay nagpasya kaagad kaming umuwi para doon na magpahinga sa bahay. Labis ang pag-alala ni sir Jave dahil sa natamo ko ngunit wala naman akong galit na nararamdaman sa kanyang ina. Ang lahat naman ay may dahilan kahit pa iyon ay masakit. Mas gustuhin kong makuha ang kanyang basbas sa aming kasal ni si Jave kahit pa man ay hindi ito tunay. “Talaga bang ayos lang ang kamay mo?” Kitang-kita niya ang pamumula ng kamay ko kaya naman panay ang pag-uusisa niya. Katulad ng sinabi ng doctor ay mild lamang ang aking natamo dahil hindi

