“MAIWAN na kita sir Jave, kapag may kailangan ka ay tawagan mo lang ako.” “Okay, huwag kang pagala-gala at baka ano na naman makita mo sa labas,” paalala ni Jave. “Hmm…tatandaan ko iyan!” Napatango pa ito sa asawa na excited sa muling pagtatambay sa shop ng mga magulang ni Jave. Nalilibang siya roon sa pagtulong at pagsasanay para matuto sa pananahi. Bitbit niya ang nilutong pananghalian na hinanda niya para sa dalawa. Bumabawi siya sa ina ni Jave dahil bumalik na naman ito sa pagsusungit sa kanya matapos ang nangyaring kaguluhan sa kanilang pamilya. Sa paglisan ni Chantalle ay siya naman ang dating ni Brent na bitbit ang isang mahalagang impormasyon. Nang makaharap niya ang kaibigan ay kaagad niya itong inabot ang brown envelop . “Ano ito?” “Iyan na ang resulta ng pinapahanap mo sa

