HINDI NAWALA sa isipan ni Sophie ang mga salitang binitawan ni Jave, mag-isa na lamang siyang nakaupo sa bench matapos tinalikuran ng dating kasintahan. Kahit anong pagpupumilit niya ay wala na siyang babalikan gayong siya mismo ay hindi kayang panindigan ang mga salita. “How could you do this to me?” Isang tanong ang nagpaangat sa kanyang paningin sa isang taong naglalagablab sa galit ang mga mata. Napatayo sa gulat si Sophie nang papalapit sa kanyang kinaroroonan si Samuel na hindi niya batid kung paano nito alam na naroon siya sa lugar na ito. “Sam, ikaw pala! Mabuti at pinuntahan mo ako dito, I badly need you!” Niyakap niya ang binata para ibaling ang ang nararamdaman pagkabigo. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay itinulak siya ng binata. “Ano? Kailangan mo lang ako sa mga pansari

