PAKIRAMDAM ko huling gabi ko na siyang makasama sa isang hapunan na magaganap ngayong gabi. Ang saya niyang kausap si Brent habang ako tinatanaw siya sa kabilang side sa harden ng kanilang bahay. Sayang lang at hindi kami magkakasama ng matagal. Marahil ay ito ang kapalaran namin sa isa't isa. Binusog ko ang mga mata habang nasisilayan ko pa siya at kahit anong titig ko ay kamukha siya ni Nanay. "Nandito ka lang pala, bakit ka lumayo sa akin?" tanong ni Jave. Napatingin naman ako kay sir Jave na papalapit sa akin. Biglang sumagi sa isipan ko na magtatapos na rin ang aming kasunduan lalo na at nahanap ko na si Charm ngunit hihintayin ko ang kanyang pasya ukol dito. May isa pa kasi siyang kahilingan na hindi pa niya sinasabi. "Hey... Ang lalim naman ng iniisip mo? Kasama ba ako diyan?

