NAPAAGA ang uwi si Charm mula sa school dahil wala ang teacher niya sa ibang subject. Tuwang-tuwa pa siya na magkaroon ng time na yayain si Jimmy para samahan siya. Pinahinto niya sa may taxi sa may kalayuan ng kanilang bahay nangnatatanaw niya ang ama na may kausap sa labas ng gate. Hindi siya napansin ng ama na papalapit dahil nakatalikod ito sa dereksyion niya. Ngunit napahinto siya nang mahimigan ang galit na boses ng ama. Hindi niya kilala ang lalaking kausap nito kaya nagkubli sa sa sasakyan na nakaparada sa malapit. Hindi niya intensiyong makinig sa usapan ng mga ito ngunit ang kuryusidad ang nagtulak sa kanya para pakinggan ito. “Hindi maaari ang gusto mo mangyari, kakabalik lang namin sa bansa para dito namuling magsimula tapos uutusan mo akong umalis," tanggi ni Damian. “Iyo

