Chapter 27 Real Nalaman ko na sa dating penthouse pala ni Daddy tumira sina lola. I tried to go there, pero may mga bantay. Hindi ko alam kung maganda ang mga bantay para sa seguridad nila o hindi maganda dahil hindi ako makakalapit kailanman kay auntie. Sinabihan na ako ni lola na huwag nang ulit pa pupunta sa penthouse dahil kung hindi ay lilipat na sila sa mas malayong lugar at ililipat niya si auntie sa malayong lugar. Nakikita ko naman siya sa school pero may mga matang nakatingin sa amin, lalo na si Clark. He can't do anything but to obey lola and tito Kenneth. Kagaya ngayon, papunta ako sa classroom namin na ako lang mag-isa. Kakatapos ko lang ipasa ang mga homework namin sa faculty. Ako kasi ang president ng classroom namin. Umupo ako sa dati kong upuan pero hindi na si

