Chapter 11 Picture Kinabukasan, hindi naman ganon karami ang nainom na hard drinks ni Clark kaya hindi halata na pumunta kami sa bar kagabi. Nagbihis na kami ng pang summer ang datingan. Naka polo lang ako na may design na dahon at shorts, ganon lang din naman si Clark. Paglabas namin ng Villa ay saktong paglabas din ng mga babae sa Villa nila. Magkatabi lang kasi ang Villa namin. Kumunot kaagad ang noo ko ng makita ang suot nila. They are all wearing swimsuit with robe. Ngumiti naman si Angelie nang naiilang sakin. "Naka robe naman!" Depensa kaagad ni Angelie. "Napag-usapan na natin 'to." Auntie Setiel said. I let out a heavy sighed. Tinalikuran ko na sila para sumunod na kina Daddy. Bakit ang titigas nang ulo ng mga babae? Nagkasya kami sa isang malaking bangka at tahimik

