Chapter 18 Jealous Mabilis lumipas ang mga araw at patapos na ang bakasyon. Ngayon ang enrollment namin. Magkakasama ulit kami nina Clark, Angelie at auntie. Pagka-park ko ng sasakyan sa school, kaagad silang bumaba. Bumaba narin naman ako habang hawak-hawak ang envelope na may laman na requirements. Pumunta kami sa isang room para mag fill up ng enrollment form tiyaka sinama sa envelope namin. Pinasa na namin ito tiyaka nagpasyang tumambay muna sa garden ng school. "Nakakamiss ang school pero hindi ang lesson." Clark said. Tumawa naman sina Angelie sa sinabi niya. "Tamad ka lang. Nakaka-enjoy din naman ang mga lesson eh. Basta ba huwag kang masyadong magpastress." Angelie said. "Math talaga ang nakakastress. May kaniya-kaniya tayong problema ba't pinapasa niya pa sa atin ang

