Kaifer I run as fast as I could to the Zafiyro Castle. I will save her, I will save Fiera even if it will cost my life. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang sa unti-unti ko ng natatanaw ang kastilyo ng mga Zafiyro ng biglang may sumalakay na mga lobo sa akin at pinagtulungan ako. Sinunggaban nila ang aking katawan, ako naman ay sinusuntok sila at sinisipa paalis. Alam ko na humina ang kapangyarihan ko pero hindi ako maaaring magpatalo dahil baka kung ano ang gawin nila kay Fiera. Natatakot ako na baka mawala siya. Hindi ko makakaya, ngayon pa kung kailan natutunan ko na siyang mahalin. Mababaliw ako sa oras na merong mangyaring masama sa kanya at buong buhay ko iyon isisisi sa aking sarili. Akmang dadambahan ako ng isang puting lobo ng umalingawngaw sa paligid ang tunog ng isang bar

