Kaifier Napatakbo ako sa kwarto kung saan nag-eensayo ang aking mate ng kanyang kakayahang taglay kasama ang aking ina. Isang linggo na mula ng sila ay magsimula sa pag-ensayo. Nais ng aking ina na maging bihasa si Fiera sa paggamit ng kanyang kakayahan at ang taglay nitong abilidad. Kaya ako napatakbo ay dahil narinig ko kasi ang malakas na sigaw ni Fiera at matapos no'n ay nakaramdam ako ng kaba. Namarkahan ko na siya kaya buo na ang aming bond. Nataranta ako kaya mas binilisan ko ang pagtakbo. "You okey, mi amor?" Tanong ko rito gamit ang aming mind link. Bigla akong nakaramdam ng kaginhawaan ngunit batid kong sa kanya iyon nanggagaling. "Oo, tumilapon lang ako dahil natamaan ako ng sarili kong kapangyarihan." Napangiti ako dahil dito. Hindi siya nagpapigil para matuto kung paano g

