[False] It's been three months since that day, halos hindi umuuwi si Miggue sa mansion nila sa Cebu, gayundin sa Manila. Wala siya sa huwisyo upang makita at makausap ang kaniyang mga magulang sa kaniyang nalaman patungkol kay Mikee. Walang ka-ide-ideya ang mama at daddy niya na buntis ang kakambal niya at binabalak na doon isilang ang anak nito sa Madrid. Nasa isang private villa siya sa Palau. Hindi siya nagpaalam na nandoon siya. Gaya ng nakagawian niyang pagpuslit at pagtakas, dala niya ang isa sa mga plane jet ng daddy Cloud niya. Doon muna siya maglalagi sa isla kung saan umano nagkakilala ang mommy Windy niya at daddy Cloud niya. Sa Rampage Island. Wala sa sariling nilagok niya ang kopita ng alak sabay hithit sa kaniyang hawak-hawak na sigarilyo. Gaya niya'y nagdaramdam pa rin

