[Conceal] Maganda ang panahon sa araw na iyon, maaga silang umalis para puntahan ang sementeryong hinihimlayan ni Windy, ang kanilang namayapang ina. "Fasten your seatbelts," sabi pa ni Shin na siyang magmamaneho sa sasakyan. Iyon ang luxury van nila na kasya sa kanilang pamilya. Kasama nila ang kanilang amang si Cloud, ang mga chikiting at sina Miggue, Mikee, Kiel at sina Gagay at Ningning, ang mga anak ni manang Tarsing, sila ang magiging baby sitter ng kambal pansamantala. "Dahan-dahan lang bro ah," dugtong pa ni Kiel na nasa passengers seat. Magkatabi sina Miggue, Mikee at kanilang ama sa gitna, habang nasa likuran naman sina Ningning at mga bata. Naka todler holder naman si Storm na nasa harapan nila Mikee at Miggue. "Let's go," signal pa ng ama nila na noo'y bakas ang pagigin

