[Kasunduan] LCDDR Building, Manila. Papalabas na si Kiel sa kaniyang opisana nang gabing iyon ng makita niya sa may pintuan ang isang pamilyar na mukha. "Mikee?" ani niya habang suot ang gulat na pagmumukha. "Pwede ba kitang makausap?" si Mikee na tanaw ang nanghihina at pagod na pigura. Dala pa nito ang isang malaking maleta na animo'y naglayas. "Sure. Come on in.." sabi pa niya at noo'y inalalayan ito papasok sa kaniyang opisina. Muling binuksan ni Kiel ang ilaw at noo'y pinaupo si Mikee na halatang balisa. "Bakit ganiyan ang hitsura mo? Bakit may dala kang maleta? Naglayas ka ba?" pagtatanong pa ni Kiel dito. Yumuko lamang si Mikee at nagsimulang suminghot. Hindi akalain ni Kiel na iiyak at hahagulhol ito sa kaniyang harapan na tila ba may mabigat na problemang dala. "T

