[Home] Hindi mapakali si Miggue habang nakahiga sa kaniyang kama. Kanina pa siya gustong kausapin ni Mikee pero siya itong ayaw makipag-usap at walang ganang umiiwas sa kakambal. "Gising ka pa ba?" narinig niyang sambit ng kaniyang kakambal na nasa kabilang kama. Nakatalikod siya dito. "—kailan mo ba ako kakausapin?" dugtong pa nito sa kaniya. "Sorry.." sambit pa ni Mikee sa kaniya. Marahan siyang tumagilid at ipwenesto ang mukha sa direksyon ng kakambal. "Hmm?" ani niya. "Sorry, dahil sa'kin nagkakaganyan ka. I'm sorry for your burden." Mahinang sambit ni Mikee sa kaniya. "No, hindi. Wala kang kasalanan.." himig nya. Umayos si Mikee at naupo sa kama niya. "Eh bakit ka nagkakaganyan?" nalilitong sambit ni Mikee sa kaniya. "I don't know.." usal pa niya habang gaya ni Mi

