Chapter 23

1185 Words

[An Advise] Suot ni Miggue ang pares ng pantulog sa gabing iyon. Hawak niya ang telepono at noo'y nakaupo sa balkonahe ng kanilang kwarto. Maagang natulog si Mikee kaya hindi na rin niya ito inabala, alam kasi niyang napagod ito kanina kasama si Shigoy. Napapadalas na kasi ang paglabas ng dalawa, at hindi rin niya akalain na maglalakas loob si Shigoy na ligawan ang kakambal niya. She doesn't know the whole story kung paano, pero nalaman na lamang niyang maayos palang ipinagpaalam ni Shigoy ang kakambal niya sa daddy at mommy nila. Gaya ng wish niya para sa kapatid niyang iyon. Nagka-love life na rin sa wakas ito at sa matalik na tropa pa niya. Bumuntung-hininga ulit si Miggue at pasimpleng inayos ang kaniyang buhok. Tanaw niya ang kabilugan ng buwan at ang napakagandang sinag nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD