Chapter Four.

2249 Words
Chapter Four We should not be afraid of expressing our real feelings to someone we really love.It may be hard to do but we should take the risk. It’s now or never. ———★——— Matapos kong makapag-palit ng damit, lumabas na ko sa kwarto namin at nagtungo sa sala kung saan naabutan kong kasama pa rin ni Ailee si Emman. Nasaan naman kaya nagpunta ngayon si Alyssa. I shouldn't indulge that attitude she has. Namimihasa ee. "Hindi ba bumaba dito si Alyssa?" I asked as I sit infront of them "Bumaba tapos nagmamadaling lumabas. May nakalimutan daw siyang bilhin." sabi ni Ailee habang sinusubuan si Emman ng pancake na niluto niya. Naku Alyssa. "Baka may gagawin ka pa, Ailee. Ako na bahala kay Emman. Sobrang abala na ata yung naibigay namin sa 'yo." "Gusto mo na ata akong paalisin, eh? Ano ka ba, Kris? Ayos lang sa 'kin 'no. Hindi naman ako papayag dito kung may mga gagawin ako di ba? Baka ikaw, may gagawin ka? Gawin mo na habang nandito pa ako. " "Wala naman. Natapos ko lahat sa office kanina. " Naupo lang ako sa harapan nila habang pinapanuod silang kumakain. Mukhang tuwang-tuwa si Emman sa kinakain niya at mukhang ganun rin si Ailee habang pinapakain ang anak ko. Hindi na nga nila ako pinapansin matapos naming mag-usap ni Ailee. I decided na lumabas nalang para hanapin si Alyssa. Pinuntahan ko yung mga posibleng puntahan ni Alyssa dito sa village. Pinuntahan ko rin yung bahay ng ilan sa mga kaibigan ni Alyssa baka sakaling nandoon siya pero wala. Sinubukan ko ring dumaan sa bahay nila Tita kaso wala rin. Mukhang sa bahay na kami magtu-tuos. Pauwi, nakita ko si Migs na mukhang pauwi na rin. Nakita rin naman niya ako kaya lumapit siya at umakbay. "P’re, may chicks ka sa bahay niyo huh? Ailee ba pangalan? Pakilala mo naman ako. " sabi niya Nagtaka naman ako kung paano niya nalaman ang tungkol kay Ailee samantalang sa kasunod na kanto mula sa 'min ang babaan ng jeep mula sa pinapasukan niya. Posibleng dumaan siya sa bahay namin, pero imposible. Mukhang napansin naman niyang nagdududa na ako sa kanya at nanlaki pa ang mata niya bilang patunay. Akmang aalis na siya at nagsimulang maglakad pero nahila ko yung kwelyo niya at napabalik siya sa pwesto niya, "Hindi ko alam kung nasaan si Alyssa!" depensa niya. Kita na. "Bakit defensive ka? Wala pa naman akong tinatanong. Nasaan si Alyssa?" tanong ko sa kanya. Bukod kasi sa mga kapatid ko, isa itong si Migs sa mga pakialamero sa buhay ko. Malamang sa malamang, nasabihan na siya ni Alyssa tungkol kay Ailee. Kawawang Aille, wala siyang kamuwang-muwang sa ginagawa nang kapatid ko at nitong si Migs na ginatungan pa si Alyssa. Nagtagal siya sa pagsagot. Nag-aalangan siguro siya kung sasabihin ba niya o hindi. Pero sa bandang huli, sinabi rin niya. Aba dapat lang . Mas matakot siya sa 'kin kesa kay Alyssa. Nagmamadali na akong umuwi dahil magdi-dilim na. Sobrang abala na ito kapag nagkataon. Nakakahiya sa tao. Pagpasok ko sa bahay, naabutan kong nag-uusap naman sila Benjie at Ailee, sila Emman at Alyssa, naglalaro naman. I wonder kung ano naman ang kinukwento ni Benjie kay Ailee ngayon. Napansin naman nila yung pagdating ko kaya nahinto sila sa mga ginagawa nila. "Oh, Kris? saan ka galing?" panimulang tanong ni Ailee. "Dito ka na maghapunan, Ailee. Magluluto lang ako." tugon ko at naglakad na papunta sa kusina. Di na ako nag-atubiling hintayin ang sagot ni Ailee. Mahihiya lang ako kapag tinanggihan niya yung alok ko kapalit ng abalang naidulot namin sa kanya. Kinuha ko yung baboy na nasa fridge at pinalambot 'to sa lababo. Hinanda ko na rin yung ibang sangkap sa lulutuin ko at nagsalang na rin ng kanin. Nakarinig naman ako nang mga yabag mula sa likuran ko at nasa harapan ko na bigla si Ailee. "Sinigang? Ako na maghihiwa nitong labanos saka kangkong. " saad niya "Huwag na Ailee. Ako nalang. Nakakahiya na talaga sa 'yo. " "Nahiya ka pa sa 'kin, destiny nga tayo, di ba?" Nabigla naman ako sinabi niya. I stared at her blankly, trying to figured out what was that supposed to. Mukhang nabigla rin siya sa sinabi niya at agad rin iyong binawi at nagbiro nalang. Matapos makapag-handa sa hapag, hinintay ko nalang kumulo yung sinigang na niluto ko at handa na sa pagkain. Umupo muna ako sa isang upuan sa mesa habang hinihintay ngang maluto yun. Matapos ring mailagay ni Ailee ang mga kubyertos sa mga plato, naupo sa katabing upuan at umubob. Nailang naman ako bigla sa pagtitig na ginawa niya kaya iniba ko yung direksyon ko. "Bakit? May dumi ba sa mukha ko? " tanong ko "Wala naman. Humarap ka ulit." sinunod ko naman yung sinabi niya at humarap ulit sa kanya. "`Yan. Pinagmasdan lang kita kanina. Wala lang. Ang tangos ng ilong mo, tapos maputi ka pa. Matangkad pa. I admit, napaka-gwapo mo rin. Para sa isang babaeng katulad ko, nakaka-inlove `yon. Tapos yung factor na sobrang family oriented mo at sa mga nakita ko ngayong araw, mas nakaka-inlove ka. Don't get me wrong. Hindi ko lang maiwasang isipin `yonh thought na `yon. Napaka-uncommon na siguro nang mga lalaking katulad mo, Kris at maswerte ang babaeng mamahalin mo. Sobra. " seryosong sabi niya. Mas lalo naman akong nailang sa ginawa niya. I'm not sure if it's a confession or just a simple statement from her, pero nakaka-flatter somehow yun. Pinuntahan ko nalang yung niluluto ko dahil hindi ko alam kung paano magre-respond sa mga sinabi niya. She's too vocal for a cold guy na katulad ko. Pero ayos na rin para sa 'kin `yon, at least. Kumuha ako nang malaking mangkok sa drawer at nilagyan yun ng sinigang. Ihinain ko na `yon sa mesa at tinawag na ang mga kapatid ko at si Emman. Kakargahin ko na sana si Emman para pakainin pero tumakbo siya papunta sa pwesto ni Ailee at humila nang isang upuan at tumabi sa kanya. Sinubukan ko siyang kunin at ilipat sa tabi ko pero pumapalag siya. Di na rin ako lumaban dahil baka mag-ingay lang siya at matapon pa ang mga pagkain sa mesa, sayang. Nilagyan ko nalang ng kanin at ulam yung plato niya at hayaan siyang mag-isang kumain. "Buhok Daddy, oh. " sabi ni Emman habang hawak yung hibla nang buhok na nakuha niya sa pagkain niya. Kinuha ko nalang 'yun at tinapon nalang. "Suotin mo 'to Kris." iniabot sa 'kin ni Ailee yung headband na suot niya. Tinanggihan ko iyon dahil una, siya ang mawawalan at pangalawa, di ako nagsu-suot 'nun. Sinubukan kong palagan rin siya pero wala rin akong nagawa nung siya na mismo ang nagsuot sa 'kin. "`Yan. Ano namang problema kung magsuot ka nang headband? Di naman yan nakakabawas sa pagiging lalaki mo. Isa pa, mas bagay nga sa 'yo oh. Ang cute mo tignan." at narinig kong humagikgik si Alyssa. Nakuha naman siya sa tingin at ihininto na. "Kumain na tayo." sabi ko nalang at hinayaan ang headband sa ulo ko. Makaramdam ka sana Ailee. Sa ginagawa mo, nilalagay mo sa alanganin ang buhay mo sa kamay ng mga kapatid ko. Kinabukasan, balik ako sa dati kong gawi dito sa opisina. Mag-iinterview ng mga aplikante, magsasagawa nang mga paper works ko at kung anu-ano pa. Abala ang buong department ko ngayon dahil dumami ang mga kliyente namin sa buwan na 'to. Idagdag pa ang nalalapit na cut-off kaya kailangan tapusin ang mga dapat tapusin. Dito kasi sa kumpanya namin, walang fixed wages. Ang wages ay naka-depende sa magiging performance mo which is a very good thing to test everyone's determination and perseverance. If you really want something, you need to work hard for it sabi nga nila. Tulad dito, kung masipag ka talaga, mataas ang sasahurin mo. Nagtungo muna ako sa taas (term used for the head boss) para i-submit yung mga written reports ko. Maswerte nalang ang department ko at na-maintain namin ang collection effiency rate or else. Pagpunta ko sa elevator, sakto namang pagbukas nito at naabutan ko sila Athena at Jemar. Naka-sabit ang kamay ni Athena sa braso nang nayayamot na si Jemar. Hindi ko alam kung bakit pero malamang sa malamang, naiirita na naman yan kay Athena. "Ano ba Jemar? Pansinin mo na 'ko. Promise, di na kita kukulitin." pangungulit ni Athena kay Jemar. Matagal na kaming teammates nila Athena at Jemar at masasabi kong sanay na ako sa ganito nilang senaryo. Believe me or not, they were not so exlusive but exclusively dating. At si Athena pa ang nagsimula nang courtship. Get my point? Halata naman kasi sa kanilang dalawa na gusto nila ang isa't isa but the problem is, masyadong duwag si Jemar sa nararamdaman niya. Unlike Athena na sobrang expressive. Kaya hanggang ngayon, walang commitment. No strings attached. Kabaduyan kasi nitong ni Jemar at naniniwala sa mga signs na hinihintay daw niya. "Pwede ba Athena? Marami tayong ginagawa ngayon. Wag ka munang mang-istorbo. " iritableng saad ni Jemar. Nakakatawa "Pero Jems, sabi mo magde-date tayo mamaya huh?" "Oo na. Wag ka lang makulit. Dito ka muna. Magpapasa lang ako nang papers." saad nito at kumalas sa pagkaka-kapit ni Athena sa kanya. Mukha namang tanga dito si Athena na kinikilig at may pawo-walling walling pang nalalaman sa pintuan ng elevator. When it comes to love talaga, people do weird things. REALLY WEIRD. "Papa Kris!" tawag niya sa 'kin at sa braso ko naman kumapit. Sinubukan ko namang kumalas pero ayaw talaga. "Papa Kris naman ee ! Samahan mo muna ako dito hanggang sa makadating si Jemar mylabs. " "As if I have a choice." tinawanan nalang niya ako at humingi nang paumanhin Halos mag-iisang oras na naming hinihintay si Jemar pero wala pa rin siya. `Di ko naman masisisi kung bakit ganoon katagal na kaming naghihintay kasi hindi rin basta-basta ang pagsasubmit ng papers sa bisor namin. Kumbaga sa college, may thesis defense ka pang mararanasan para matapos yun. And besides, hindi lang naman siya ang magsa-submit. "Kumusta?" tanong ko nalang kay Athena, pampa-alis na rin siguro sa katahimikan na bumabalot sa 'min ngayon "Ako? Ayos lang naman. Ikaw Papa Kris? Si Emman? " "I mean, kayo ni Jemar?" tanong ko pabalik. Nag-iba naman expresyon ng mukha niya at mukhang nagpipilit siya nang ngiti niya. It's pretty obvious. Mukhang alam ko na patutunguhan ng usapan ito. Inaya ko muna siyang maupo sa upuan sa tapat ng office ni boss at pinaghintay siya para makuhaan ng kape sa vending machine. Who would have thought na ang very energetic na si Athena, nagiging sensitive regarding sa relationship niya between Jemar. Pero naaawa pa rin ako kay Athena. Babae siya para mahirapan ng ganito. I mean, di ba nga sabi ko kanina, siya pa yung sumusuyo kay Jemar instead na si Jemar ang sumuyo kay Athena. Isn't it so weird? "Loving is so hard, Papa Kris. But then, why do we keep going after it? Kasi nga nagmamahal tayo, kinakaya natin." saad niya then take a sip to the coffee "Sumusuko ka na but at the first place, hindi naman talaga dapat ikaw ang sumusuko. To know and to hide. Yan yung pinaka-main thing pagdating sa love, Athena. You should know all about Jemar and learn to hide your feelings. Consider the rights of others before your own feelings, and the feelings of others before your own rights. Nasobrahan ka ata sa pagiging expressive kaya pati si Jemar, naguguluhan na. Nakakalito kung nasaan ang totoo at alin ang hindi. " "Pero Papa Kris, totoo naman lahat ng pinapakita ko kay Jemar. Alin ba ang hindi totoo doon?" "Sometimes Athena, feelings are not supposed to be logical. Minsan, mas nakakabuting hayaan mo sila mismong maka-alam nun. Nakakatakot lang na nira-rationalize ang emotions. Tiwala lang, mahal ka nyan ni Jemar. Mahal na mahal. Hayaan mo nga lang siya minsan na gumawa nang efforts para sa 'yo. Paka-dalagang Filipina ka nga. " "Kailan kaya mababalik yung letter G sa paasa? Tinatamad na tuloy ako." nagtaka naman ako sa sinabi niya at maging sa biglaang pagda-drama niya. Tapos bigla nalang tumawa. "Joke lang Papa Kris. Tara na nga ! Ang tagal naman niya." Tumayo na siya at pumindot na sa elevator. Napa-isip ako bigla sa sinabi ni Athena kanina. Akala niya siguro hindi ko na-gets yung sinabi niya but the real thing is... naaawa na ako kay Athena sa ginagawa niya. Nagmumukha siyang desperada sa ginagawa niyang paghahabol kay Jemar. She deserves more than that. A true love. At ito namang si Jemar, he rather choose to remain silent about his real feeling kahit alam niyang naaalangan si Athena. And that was so unfair. He might not know, The feelings that go deepest are the hardest to express. If time passes at hindi niya pa rin nasasabi ang totoong nararamdaman niya, it will just be another person living a dream . . . a loss of true love. Siya rin ang magsisisi sa huli. Magsasara na sana ang pintuan ng elevator ng biglang bumukas at sumalubong si Jemar na mukhang tumakbo pa. "Sabi ko hintayin mo ko ee. At bakit kasama mo 'tong si Kris?" hingal na hingal na sabi ni Jemar. Pumasok na siya sa loob ng elevator at humawak sa bewang ni Athena. See? Possessive pala siya pero hindi niya magawang magkaroon ng direct connection kay Athena. Nang may mapang-hawakan na talaga siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD