Chapter Sixteen Ailee's MATAPOS makapag-almusal ni Benjie, pumunta sila ni Emman sa sala para manuod ng cartoons. Habang kami naman ni Alyssa ay naiwan dito sa kusina para ayusin ang pinagkainan namin. Siya na ang nag-presintang maghugas ng mga pinggan kaya ako na ang naglinis ng mesa at nagwalis ng sahig. “Ate,” tawag niya sa 'kin. Itinabi ko na muna ang walis na hawak ko at lumapit sa kanya sa may lababo. “Alam mo, Ate, sobrang saya ko para kay Kuya ngayon. Masaya ako dahil, ikaw ang napili niya. No’ng una pa lang kitang nakilala, sinabi ko na sa sarili ko, ikaw na ikaw na talaga ang para sa Kuya namin. Nakakatuwa kasi na, hindi lang si Kuya ang minahal mo, pati kami, minahal mo rin.” “Ganoon naman kasi 'yon, Alyssa. Kapag nagmahal ka ng isang tao, kailangan mo ring mahalin ang mg

