Enjoy reading! [A/N: RATED SPG! BAWAL SA MGA BATA!] Abigael's PoV, ISANG LINGGO na ang nakaraan mula noong nag propose sa 'kin si Harvey. At ngayon ay nakatingin ako sa isang malaking salamin habang suot ang wedding gown ko. Ang ganda ko sa suot kong ito. Kung dati nagpakasal ako sa kanya dahil sa napipilitan ako, pero ngayon magpapakasal ako sa kanya dahil mahal ko siya. Sa tagal ng panahon na lumayo ako sa kanya dati hindi pa rin nabura ang pagmamahal ko sa kanya. Napalingon ako sa pinto nang pumasok si Tita. "Hija, tapos ka na bang mag-ayos?" Tanong niya. Halata ko sa mga mata niya na gusto niyang umiyak. "Okay na po, Tita. Okay lang po ba kayo?" Tanong ko. At doon na tumulo ang luha niya. Agad ko naman siyang niyakap nang mahigpit. "Bakit ka po umiiyak?" Tanong ko. "Wala ito

