Enjoy reading! Kinabukasan ay pumasok na ako sa trabaho at naabutan ko si Mr. Lagatuz na abala na naman sa kanyang lamesa. Kalalabas niya lang ng hospital at nagtatrabaho na siya kaagad. Dapat ay nagpapahinga muna siya. "Good morning, sir. Dapat po ay nagpahinga muna kayo. Kalalabas niyo lang po ng hospital." Sabi ko. "Good morning rin, Abby. Kaya ko naman na magtrabaho. Malakas pa kaya ako." Pagbibiro niya na ikinatawa ko. "By the way, pwede ba kitang makausap?" Tanong niya. Agad naman akong tumango at umupo sa upuan na kaharap niya. "Ano po ba 'yon, sir?" Tanong ko. "Abby, hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa 'yo sa naitulong mo sa kompanya ko." Masayang sabi niya. Napakunot noo naman ako. Ano ba ang ginawa ko at nagpapasalamat siya sa akin. "Bakit sa akin po kayo n

