Enjoy reading! Matagal din ang naging proseso ng mga requirements ko bago ako tuluyang nakakuha. At sagot lahat iyon ni Jarenze. Kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil sa laki nang naitulong niya sa amin ni tita. Siya na rin daw ang bahala kay tita kapag umalis na ako. "Ang mga gamot mo, Abby? Mga damit? Magdala ka ng jacket mo roon." Mga bilin ni tita. "Okay na po, tita. Nasa bag ko na po lahat." Sagot ko. "Tita, parang bata naman si Abby sa mga ginagawa mo." Natatawang sabi ni Jarenze. "Nako, dapat ay kompleto siya sa mga gamit doon. Iba ang Dubai sa Pilipinas at malayo 'yon. Baka mawala ka roon." Saad ni tita na ikinatawa namin ni Jarenze. "Grabe naman po sa mawala, tita. Hindi na po ako bata. Kaya ko na po ang sarili ko." Natatawa kong sagot. "O siya, sige na, at

