"Let's get out of here," bulong ni Jake sa akin. "I'll just call our other friend Alexis para samahan si Ken. I'm sure just like you, he's probably devastated," dagdag pa niya habang yakap-yakap ako palabas ng Havens.
Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya at pigil na pigil na ‘di mapahagulhol ng malakas. Ayoko rin makita ng mga tao na umiiyak ako. That will make them curious and will eventually blow up my cover. Nagmukha tuloy akong lasing na inalalayan niya dahil sa position namin.
He opened the door for me at inalalayan akong pumasok sa kotse. He even made sure that I wore my seat belt properly before getting in the driver's seat. I immediately covered my face with my hands and cried as silent as I could. Pakiramdam ko pinagpunit-punit ang puso ko sa sakit.
When he was already in the driver's seat, he took out his phone and dialed someone.
"Hello, Alexis? Yes, Bud I need your help. Can you go to Havens and make sure Ken's okay? There's a situation mamaya ko na ipapaliwanag sa iyo. I have to do something important—" He paused. “—okay, thanks, Bud. Later," anitong pinatay na ang tawag.
Bahagya pa siyang dumukwang sa harapan ko para abutin ang compartment. I moved a little bit to give him space. Binuksan niya iyon at may kinuha at inabot sa akin. Isang box ng tissue.
"Thank you.” Tuluyan ko nang kinuha ang box. Kumuha ako ng tissue at ginamit iyon para tuyuin ang mga luha ko.
Isinara rin naman nito ang compartment pagkatapos makuha ang nais doon.
"If you want, I can bring you to my favorite spot. Kung ayaw mo naman, I can bring you home."
Bahagya ko siyang nilingon at alam kong namumugto na ang mga mata ko dahil halos ‘di ko na maidilat ang mga ito.
Masuyo niyang hinaplos ang mukha ko at hinubad ang eye glasses at wig na suot ko. Tinapon niya 'yon sa backseat at kumuha ng tissue na hawak ko.
He gently wiped my tears away. Bahagya niya pang inayos ang buhok kong nagulo dahil sa pagkakatanggal niya sa wig. Nakatingin lang ako sa kanya. 'Di ko alam kung sasawayin ko ba siya o hahayaan sa ginagawa niya.
For some odd reason, I felt like at peace in his presence. Oo, nasasaktan pa rin ako sa mga nangyayari, but there's something in him that makes me calm down. 'Yon bang feeling ko secure na secure ako sa kanya. 'Yong feeling na wala na akong dapat ipag-alala kasi nandiyan siya para sa akin.
"I guess you're too preoccupied. So, dadalhin na lang kita roon sa favorite spot ko, okay? You'll love it there for sure."
Marahan akong tumango bilang sagot sa kanya. Ayoko rin naman magmukmok kapag umuwi kami sa kanila.
Hindi ko na siya tinanong kung saan iyon pati o kung bakit huminto muna kami sa isang convenience store. Hindi ko na rin inusisa kung ano ang binili niya. Hindi rin siya nagsalita o nag-try na magbukas ng topic. Hinayaan niya lang din ako. And I appreciate it..a lot.
Madilim na ang paligid, pero nanatili pa rin akong nakatingin sa labas na para bang nandoon ang lunas sa lahat ng sakit na nararamdaman ko. Nagulat pa ako nang bigla akong tinapik ni Jake. 'Di ko akalain na huminto na pala ang sasakyan sa lalim ng iniisip ko.
"We're here," anunsiyo niya. Kinuha niya ang pinamili niya sa convenience store bago bumaba na siya ng sasakyan. Tila wala pa ako sa huwesyo dahil nanatili lang akong nakatingin sa kanya. He jogged towards my side of the door at pinagbuksan ako ng pinto. Inilahad niya sa akin ang kanang palad niya. Agad ko iyong tinanggap habang pababa ng sasakyan. Inalalayan niya rin akong bumaba.
Iginiya niya ako patungo sa isang bahay na nasa tuktok ng burol. Mayroong maliit na sementong daan mula sa pinag-parking-an niya ng sasakyan patungo sa bahay na iyon. Maraming puno ang nakapalibot doon. May naririnig pa akong mga tunog ng mga insekto sa balipot. Dahil sa sinag ng buwan, naaninag ko ang ang iba't-ibang klase ng bulaklak na maayos na nakatanim sa harap ng bahay.
"Kaninong bahay 'to?" tanong ko sa kanya habang binubuksan niya ang pinto ng bahay.
"Akin, this is my favorite place. Kapag malungkot ako, or gusto kong mag-unwind; dito ako pumupunta. Halika, punta tayo sa second floor."
Pagkadating namin doon ay binuksan niya ang glass door patungo sa veranda. I was in awe when I see what was outside.
Napakaganda ng tanawin. The veranda itself has a mini garden of tulips, roses and sunflowers. May dalawang outdoor couch at center table na parehong gawa sa rattan. Mayroon ding vintage outdoor lamp na mas nagpaganda sa veranda nito at siyang nagsilbing ilaw sa madilim na lugar na iyon.
Pero hindi ang mga iyon ang mas nagpapaganda ng bahay ni Jake kung hindi ang view mula sa veranda. Kitang-kita doon ang nagkikislapang mga gusali ng lungsod. At mas namangha ako nang makita ko na may mga alitaptap na umaaligid sa mga punong-kahoy na nakatanim sa bakuran ni Jake. Mistula iyong mga Christmas lights sa mga puno. Kumukuti-kutitap.
"Wow, ang ganda," 'di ko mapigilang komento habang papalapit sa veranda. Manghang-mangha ako sa nakikita ko. Akala ko sa mga pelikula ko lang makikita ang ganitong tanawin. I didn’t realize I would be able to see it in person.
Naupo ako sa couch at komportableng sumandal. Dahil sa tanawin, nalimutan ko sandali ang lahat ng pinoproblema ko. Kaya pala may mga taong mas gustong mag-unwind kasama ng kalikasan. Now, I understand. It gives you serenity.
I closed my eyes and tried to savor the silence. Well, not entirely silent because I can still hear the chirping of the insects.
Minulat ko ang mata ko nang may marinig akong inilapag sa mesa. And I saw Jake putting different kinds of foods, fruits and utensils. May dalawang tube ng ice cream, chocolate cake, chocolate ganache, bananas, strawberries and different kinds of nuts: almond, peanuts, pistachios and walnuts.
"Balak mo bang magka-diabetes?" manghang tanong ko sa kanya.
He just smiled.
"'Di ko kasi alam kung ano ang gusto mo kaya hinanda ko na lahat ng comfort food na alam ko. These foods are good when you're sad. These highly impact your mood by affecting your serotonin levels in a very positive way. So, what do you want to eat? I'll prepare it for you."
"The double dutch ice cream looks so inviting."
"Okay then, double dutch ice cream it is." Binuksan niya ang tube ng ice cream at naglagay ng limang scope sa bowl. Inabot niya ito sa akin kasama ang dessert spoon. Kumuha rin ito para sa sarili at umupo sa tabi ko.
"Alam mo? Hindi ko maintindihan bakit hindi ako magustuhan ni Stu. May mali ba sa akin?" Makailang sandali ay tanong ko sa kanya habang panay ang subo ng ice cream sa bibig. "May anak na kami at lahat pero bakit gano'n? Gano'n ba talaga katindi ang galit niya sa akin na hindi niya ako mapatawad? We were so close before,” himutok ko. I sighed. I regretted everything. “Sana pala hindi ko na ginawa 'yung mga ginawa ko."
Humarap din siya sa akin at ginaya ang position ko sa pag-upo. Sumandal siya sa armrest ng couch at ipinatong ang binti sa kaliwang binti. Mataman siyang tumitig sa akin.
"Lahat ng tao ay may iba-ibang definition ng sakit. I can't speak for Stuart. I can't say that he is being unreasonable because I don't know the pain he goes through, if there's any. Siya lang ang makakasagot noon sa'yo. However, what I can tell you is that, don't beat yourself up too much. You've made a mistake. You already asked for forgiveness and you already suffered because of it. When will you stop trying? When will you tell yourself it's enough? And when will you let go?"
Iniwas ko ang pangingin ko. Hindi ko alam pero sa tuwing tinititigan niya ako ay para akong nalulunod. Bumibilis ang t***k ng puso ko.
"Pasensya ka na, ah? I just realized napaka-insensitive ko. I shouldn't have told you about this," nahihiya kong sambit. He told me about his feelings a week ago tapos heto ako nagdadrama tungkol kay Stu.
"You don't really have to worry about me, Shin. I told you about my feelings but it doesn't mean that you are required to do anything about it. You are not in any way obliged to reciprocate my feeling. I told you because you deserved to know. You are a beautiful woman, inside and out. And because of that, I admire you, Shin no scratch that... I think I've fallen for you already. And please don't think that I'm saying these things because I pity you. You're a strong woman and the word 'pity' doesn't fit you. And if the man you love can't show you how beautiful and precious you are, then I'd be willing to do that. Let me show you. You don't have to do anything. I just want you to know your worth," anitong hinawakan ang dalawa kong kamay.
I don’t know what’s happening pero unti-unting tumulo ang mga luha ko. I can feel his sincerity, pero hindi kami pwede! Umiling-iling ako sa kanya. "Pero, Jake may asawa akong tao at kahit hindi niya alam na kasal kami, it still feels like I'm cheating on him by entertaining you." Pasimple kong inalis ang mga kamay niyang nakahawak sa akin. Pero hinawakan niya ulit ang mga ito nang mahigpit.
"Then, let me be your friend. I know it's absurd. Pero gaya nang sinabi ko, hindi mo obligasyon at lalong hindi ka obligado na sagutin ako. Sana hayaan mo lang akong tulungan ka at mapakita sa'yo that you also deserve to be happy. Kahit pa nga ang kaligayahan na 'yon ay 'di ako. I'll help you find your self-worth," aniyang buong pagsuyong hinaplos ang kaliwang pisngi ko.
Natameme ako sa sinabi kaya napayuko na lang ako. And then it hits me…
Kung nakilala ko lang sana si Jake nang maaga...
PAGKATAPOS naming mag-heart to heart talk ni Jake, I learned that he was also a funny guy. Napapatawa niya ako sa mga simpleng biro niya.
At habang tumatawa ako, I realized that it was the first genuine laugh that I had. Ang sarap niya ring kausap. Siya 'yung tipo ng tao na ‘di nawawalan ng kwento pero hindi nakakainis or nonsense.
Ang swerte ng babaing makakasama siya. He is a perfect gentleman.
Sa sarap ng kwentuhan namin, ‘di na namin namalayan ang oras. Napansin na lang namin na sumisikat ng ang araw. Kaya inaya na niya akong umuwi. He just bought us coffee while we were on our way, for him to stay awake.
Pagdating namin sa bahay ay gising na ang lahat. Nasa sala sila at nakaupo sa sofa na parang may hinihintay. May isang lalaki rin na noon ka lang nakita.
"We were waiting for the both of you. Glad you're both here. I need help," bungad ni Ken sa amin nang makita niya kaming papasok sa sala.
"What kind of help?" kunot-noong tanong ni Jake.
"Ikaw nga kumausap sa taong ito, Jake. Mukhang may hang over pa yata. Kung anu-ano na lang ang naiisip," napapakamot-ulong sabat noong lalaki. Frustration was evident in his face.
"Bakit ano ba’ng problema?”—Jake
"Blair and Stu are engaged. Help me ruin it,” matigas na sambit ni Ken.