Sa tuwing naririnig ko ang palahaw ng iyak ng baby ni Blair parang kinukurot ang puso ko. Kanina ko pa siya pinapatahan pero hanggang ngayon ay iyak pa rin siya nang iyak. Sa katunayan ay mas lumalakas pa ang iyak. nito. Mukhang nase-sense nito na wala ang ina sa tabi. Poor child. I sighed. I massaged my arm gently. Kumikirot pa rin ito. Buti na lang at hindi na ito masyadong dumudugo hindi gaya kanina. Sinilip ko ang benda. Basa na ito ng dugo. I tried to ignore it. Buti na lang talaga at hindi malalim. Medyo malayo pa rin sa bituka. Napabuntong hininga ulit ako nang marinig ko ulit ang mas malakas na palahaw na iyak ng anak nina Blair at ken. Naaawa na ako sa bata. kanina pa ito iyak nang iyak. Namamaos na nga ito, eh. Hindi ko maiwasang makaramdam nang higit na pagkapoot sa nanay

