Inis na inis ako nang pumasok ako sa opisina. Pabagsak kong isinara ang pinto. Napasabunot ako sa buhok ko habang pabalik-balik na naglalakad sa loob ng opisina. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Totoo pala ang sinabi ni Shin—may kinalaman nga si Mommy sa lahat ng nangyari. Pasalampak akong naupo sa swivel chair at dumayukyok sa office table ko. Tila isang pelikula na nag-rewind ulit sa utak ko kung paano ko nalaman ang totoo. Pagkadating namin sa bahay, pagkatapos naming maihatid si Shin sa condo ay agad kong tinawag ang yaya ni Alex para asikasuhin ito. “Nasaan si Mommy?” tanong ko sa yaya ni Alex na si Celine. “Nasa opisina niya po, Sir.” Kinuha nito ang bag na may lamang damit ni Alex sa akin. “Any visitors?” “Wala naman po.” Hinawakan na niya si Alex sa kamay. Tumango a

