“Hi, Blair!” nakangiting bati ko sa kanya nang makita ko siyang nakaupo sa kama at karga-karga ang isa sa mga triplets. Ang dalawang baby naman ay nasa kama at nagpapasag-pasag ang mga kamay at paa. Kasama ko si Alex na pinuntahan siya sa nursery room ng triplets nila. Sina Stu at Ken ay nananatiling nasa sala. Masinsinan silang nag-uusap tungkol sa nanay ni Stu. Pinaakyat na lang kami ni Ken dito sa second floor para puntahan si Blair. Agad akong na-excite nang makit ang napaka-cute nilang mga anak. Ang tatapa ng mga pisngi ng mga ito. Hawak-hawak ko ang kamay ni Alex habang papasok kami ng kwarto. "Wow, ito na ba mga anak ninyo?" excited kong tanong sa kanya. Mukhang hindi lang ako ang excited dahil pati si Alex ay kumawala sa pagkakahawak ko. Masaya nitong sabi pati si Alexandra ay

