Hindi pa man kami nakakapag umpisa na mag usap ni Stefano ay nakarinig ako ng ingay mula sa labas ng aking opisina. “Ano yun?” Nagtataka kong tanong kay Stefano habang napatayo ako sa aking kinauupuan at akma na sana akong lalabas ng biglang magbukas ang pinto ng aking opisina. “J-Jelay?” Si Jelay na nagpupumilit na pumasok sa aking opisina habang pinipigilan siya ni Jean na makapasok at nakasunod naman ang guard. “Miss D, pasensya na po kayo. Nagpupumilit po kasi siya na pumasok,” sambit ng aking secretary na si Jean. “Oh, hi beshy? Opsss! Ex beshy i mean.” Saad niyang nakangisi. “Anong ginagawa mo rito?” Tanong ko sa kanya ngunit nakatuon ang aking paningin sa may kalakihan niyang tiyan. “Ahm …Nandito ako para paalalahanan ka,” aniya. “Anong ibig mong sabihin?” “Simple lang

