Kabanata 20

1252 Words
Skye   "Release her hand. She's in pain."   "Release her hand. She's in pain."   "Release her hand. She's in pain."   Ugh.   Bakit ayaw mong maalis sa isip ko!? Syempre naawa lang siya na maputol ang buto't balat mong mga braso. Sino naman kasi ang masisiyahan na makita ang mga katulad kong payat na nga pinaghihilahan pa. Buisit kasing mga hinayupak yun.   "Those guys named Azzrael and Premier—Are they your suitors?" Namilog ang mga mata ko sa pinagsasabi ni Ate Scylla. Suitors? Saan naman niya nahugot ang mga salitang 'yon? Baliw lang talaga si Sarmiento kaya niya nasasabi na girlfriend niya 'ko. Pero si Premier? No way.   Umiling ako.   Sa lagay kong ito wala nang makakalapit na kung sino sa akin, lalo na't andiyan na ang sobra kung makadikit at makapagbawal na hawakan ako. Skye.   "But the guy who really wants to be with you is Azzrael right? Is he really your boyfriend?" Hindi niya magawang lumingon sa akin dahil nagmamaneho siya. Pero yung mga tanong niya hindi ko makayanan.   "Of course not. Nagbibiro lang ang isang 'yon." Umiling pa ako kahit hindi niya iyon makikita. Kailangan kong depensahan ang sarili ko. Bakit kasi nasa iisang lugar lang sila at kung nasaan pa talaga ako.   Anong klaseng tadhana kaya 'yon? Malabo.   "Oww... Skye's right? You're really not into him dahil hindi mo type?" Saglit siyang sumulyap at pinagtaasan ako ng kilay. Natahimik ako.   Nakakahiya naman kung aapila pa ako. Ang ganda ko naman kung ganu'n. Hindi na lang ako nagsalita. Walang  nagsalita sa amin hanggang sa nakarating kami sa village. Hindi agad kami nakapasok dahil hinarang kami ng guard.   Anong problema?   Kinatok ang bintana ni Ate Scylla, binuksan naman niya ito at hinarap ang guard. Nakakunot ang noo ni Ate. Maldita din kasi ang isang 'to.   "What? May problema po ba?" Mahinahon niyang tanong. Akala ko magtataray siya.   "Sino po kayo?" Tanong niya kay Ate. Kay Ate lang nakatuon ang atensyon ng guwardya kaya hindi niya ako napapansin.   "Ah, Scylla po Manong Guard. Scylla Lopez, Apollo's Girlfriend." Biglang kumunot ang noo ng guwardya.   "Pwede po ba akong makasigurado? ID. Marami na po kasing nagpakilala bilang Scylla Lopez na girlfriend ni Mr. Apollo. Gusto ko lang pong protektahan ang mga amo ko." Biglang taas naman ng kilay ni Ate Scylla. Hindi ba kilala ng mga guwardya si Ate?   "Hindi mo ba ako kilala?" Lagot na.   "Sorry po Mam, pero bago lang po kasi ako kaya hindi ko pa kilala ang ibang mga pumapasok dito. Ang Pamilya Maniego lang po ang kilala ko." Kaya pala. Tumikhim na ako. Baka hindi niya ako nakikilala.   "A—ah... Miss Phoebri.." Namulang bigla si Manong Guard. "Sorry po hindi po kita napansin. Sige po Mam pwede na po kayong pumasok. Paumanhin po sa inyo." Yumuko siya at bahagyang umurong para makapasok kami.   Hindi ko naman gustong ipahiya si Manong Guard kaya lang baka mas malala pa ang matanggap niya kay Ate Scylla. I'm not a b*tch but this one besides me is a monster.   "Maniego-ng Maniego ka dun. Good for you. You know how to label yourself. Dapat ganyan din ang gawin mo sa Montgomery, nang hindi ka naapakan." Hindi ko kaya. Tsaka hindi naman ganon ang gusto kong iparating kanina. Gusto ko lang iligtas si Manong Guard.   Hindi na ako nagsalita. Wala namang mapupuntahan ang pinag-uusapan namin. Hihikayatin lang niya akong lumaban kahit hindi naman dapat. Mas normal na buhay kung mananahimik na lang ako.   "Phoebri, Tita Kath called me. I will be your guardian from now on and also I will be their eyes at the University. Isusumbong ko lahat ng nangyayari sayo. Ganon na din ang mga kapatid mo. Alam naman natin na may kanya-kanya silang buhay kaya hindi ka nila agad ma-protektahan. Nakuha mo?" Marahan akong huminga ng malalim. Nakuha ko. Pero hindi ko makuha kung bakit. Marami na sila sa University tapos dadagdagan pa ni Ate Scylla?   Can I transfer a school now? I can't understand why did they have to do that. Nasasakal na ako.   Nang nakarating na kami sa bahay bumaba na agad ako. Inabot ni Ate Scylla ang susi kay Manong Hector.   "Manong Hector salamat."   Igagarahe na kasi 'yon ni Manong Hector. Ganyan naman lagi. Hindi pa ako nasanay.   Pumasok na kami sa loob at bumangad sa amin ang nagtatawanan na si Tyrone at Skye.   Nauna na pala siya?   "Bakit ngayon lang kayo? Kanina pa ako dito oh." Sumandal siya sa sofa na inuupuan niya at ngising aso kaming tiningnan. "Muntik pa nga akong hindi papasukin ng guard dahil hindi ako kilala, mabuti na lang nakasunod si Tyrone sa akin. TSS. Hindi pa rin talaga nagbabago ang security ninyo dito..." Tsaka niya ako tinignan. May pinupunto kasi siya sa huli niyang sinabi. Issue niya kay Sarmiento.   Eh, hindi naman kasi totoo 'yon.   "Baka nga sa susunod mga sundalo na ang iharap nila sa village namin. Ito kasing si Tanya payapa nang nakakalabas, hindi nga lang kilala." Natatawang utas naman nitong kapatid ko. Wala namang nakakatawa.   "Hanggang ngayon Tanya pa rin ang tawag mo kay Piarra? Akala ko ba asaran niyo lang 'yon?" Ewan ko ba diyan at nasanay na talaga siya na tawagin akong Tanya. Pati ang ibang tao dito sa bahay nakasanayan na rin.   "Actually, Tanya na rin ang pangalan niya. Sa labas ng bahay na 'to hindi na siya si Piarra na kilala natin. Isa na siyang nobody." Pagpapaliwang ni Ate Scylla. Naupo kami sa katapat na upuan nina Tyrone.   "Hindi ba nila nahahalata?" Nag-aalalang tanong ni Skye habang nakating sa akin.   "Ewan ko. Pero parang hindi naman."   "That's impossible. Kung ako ang makakasama mo magtataka na ako kung bakit napaka-perpekto mo para sa isang nobody." Umiiling niyang komento.   Andiyan na naman po tayo sa perpektong 'yan. Tumayo ako nagpaalam sa kanila.   "Magpapahinga na ako. Masyadong nakakapagod ang araw na 'to." Nilingon ko si Ate Scylla. "Ikaw na ang bahala sa kanila Ate." Nakipagbeso ako bago ko naman nilingon ang magkaibigan. "Magpahinga na rin kayo. Hindi tumatanggap ng maingay dito dahil kay Kuya Claude, alam niyo na ang pwedeng mangyari." Pagtutukoy ko sa kaingayan ni Skye. Lalo na at dito sila maninirahan ni Ate Scylla, gulo ang abot nito. Nagsama ang magkaibigang pasaway.   "Ganyan ba talaga mag-welcome ng bisita si Piarra, bro? Bakit parang kanina lang payakap-yakap pa 'yan, kesyo na miss daw ako. Tapos aawayin lang pala ako. Parang mali naman. Chansing lang yung kanina, di ba?" Nagsumbong pa talaga sa magaling niyang kaibigan.   "Bahala nga kayo sa buhay niyo." Nagmartsa na ako paakyat sa kwarto ko. Nagsisimula na ang delubyo sa bahay na 'to. Nagsama-sama na ang magaling na magkaibigan.   Itinapon ko ang sarili ko sa kama. Pagod na pagod talaga ako. Nang magsimula ang klase tambak na kami sa gawain at nadagdagan pa nang sakit ng ulo.   "Release her hand. She's in pain."   Pagtapos niyang pigilan ang dalawa bigla na lang siya umalis. Yung parang naawa lang talaga siya sa mga braso ko kaya siya nakialam. Binitawan naman nila kaya lang muntik pang magsuntukan. Mabuti na lang lumabas si Xandra para pagsabihan ang kakambal niya tungkol sa image nila sa industriya. Xandra is Xandra after all.   "Piarra," muntik pa akong malaglag sa kama dahil sa panggugulat ni Skye. Mabuti na lang talaga medyo may kalakihan itong higaan ko.   Naupo ako at pinagtaasan siya ng kilay. "May problema ka ba?"   Umiling siya at tumabi sa akin sa pagkakaupo. "Is he really your boyfriend?" nilingon ko siya sa biglaan niyang tanong.   Magsasalita sana ako para magpaliwanag sa nangyari kanina nang hawakan niya kamay ko.   "Huli na ba ako?" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD