Found
Ito na ang pinakahihintay ko sa lahat. At dinner with my whole family. Andito si Kuya Apollo, Mama and Daddy, a perfect night for me.
Kung muli kong babalikan, siguro five? Or seven years old lang ako ng huli kaming kumain ng sabay-sabay. Espesyal para sa'kin ang ganitong mga pagkakataon dahil bihira kung mangyari ang maging kompleto kami.
In fact, my family isn't so perfect to be envied by everyone.
Habang kumakain kami ng tahimik hindi ko mapigilan ang ngumiti sa saya. Kompleto kami. Kompleto kami. I missed this one so much! I don't want this night to end. I know I will treasure this for a lifetime. A lifetime with my family.
Alam ko at sigurado ako na ang pamilyang ito lamang ang makakasama ko at masasandalan. Dahil ang pamilya lang ang makaka-unawa sa lahat ng problemang kakaharapin ko.
"Pano nangyari? Each of everyone in this family has a time to tell me what's happening... in here, especially on Piarra. Ano bang tumawag man lang kayo o kahit text na lang, pero wala eh. Ano ba 'ko sa pamilyang 'to? Di ba panganay? PANGANAY LANG! OO PANGANAY LANG PALA AKO DITO!" Padabog niyang ibinaba ang wine glass na hawak-hawak niya sa center table tsaka padabog na umupo sa sofa.
"Watch your words, Apollo. Andito ka pa rin sa pamamahay ko." And dad. Nag-aaway sila dahil sa'kin.
Nabigla ako. Galit siya. Sila. Hindi ko alam ang gagawin, galit siya dahil sa'kin. Kuya Apollo is mad. Namuo na ang aking mga luha sa takot. Hindi ko kayang tingnan ang isa sa mga kapatid kong nagagalit, dahil para sa'kin ako ang dahilan ng lahat. At sa ngayon mas natatakot ako dahil ako ang dahilan. Unti-unti ng tumulo ang mga luhang kanina lang ay nagbabadyang malaglag. Yumuko ako tsaka ito pinunasan. Makisama ka please. Makisama ka.
Naramdaman kong may naupo sa tabi ko, hinaplos niya ang likod ko. Oh god. Tumigil ka na luha. Dahil sa paghaplos na 'yon mas lalo akong naiyak, humikbi pa lalo.
"K—kuya.." humihikbing sabi ko. "S—sorry.."
May humahaplos pa rin sa likod ko, hindi ko alam kung sino. Nakayuko lang ako, nahihiya ako sa ginawa kong gulo sa pamilyang 'to. I was the reason for this mess. I'm the one who brought this problem in our family. I'm such a disgrace.
"Disgrace.." bulong ko "I was a disgrace in this family.. A disgrace.." mas lalong hindi tumigil ang pag-iyak ko. Hindi ko na kaya.
"Shh... You're not, Tanya. Don't ever say that again." Tinatahan niya pa rin ako. Badboy na sweet.
Unti-unti ng dumidilim sa paligid ko. Andito na sila sa tabi ko, sila. Inayos muna ni Kuya Apollo ang pants niya bago iniluhod ang isang tuhod para pumantay sa'kin. Inayos niya ang kalat na buhok ko bago inangat ang mukha ko para humarap sa kanya.
He wiped my tears using his thumb and gave me with his killer smile. I tried to smile back. Who rejects a killer smile from Apollo Maniego.
"Tahan na. Hindi ko sinasadya. Nabigla lang ang Kuya. I can't react like it's a normal issue. You're our Princess, Piarra. All I want is the safety of your life. No one in this world gave me an assurance that you are safe, Princess." He suddenly cupped my face and kissed me on my forehead. "Just leave that school, Piarra." Tumayo siya tsaka hinarap si Daddy.
Umiling ako. Mas lalong tumulo ang mga luha ko. "No.. No.. Kuya.." bulong ko. Tyrone grabbed my arm and gave a hug. I leaned my head on his shoulder and cry. He's a bad boy, but a lovely brother. Umiyak lang ako ng umiyak sa bisig ni Tyrone.
"Piarra, leave that School.. As soon as possible." It's a command, not permission. He commands our Dad. I think it's a bad idea. Totally, a bad idea.
"Malakas na ang loob mo. Pero hindi pa ngayon ang oras mo para mag magaling. Nasa pamamahay pa rin kita at pinapakain. Kapag nasayo na ang dapat ay sayo tsaka ka humarap sa akin at magmalaki. Anak pa rin kita, tandaan mo 'yan. Prove yourself to this family. Prove yourself.. more, Apollo." Tinapik niya si Kuya na parang walang nangyari. Humarap siya sa'min. Tinapik niya rin ang tatlo ko pang kapatid bago lumapit sa akin. Tumayo ako at hinarap si Daddy. Niyakap ko siya. "Wag ka ng mag-alala.. wala pa sa pamilyang ito ang may karapatang baguhin ang nasimulan ko. Sleep tight, baby. Good night." Hinaplos ni Daddy ang likod ko bago bumitaw sa pagkakayakap.
"Good night, Dad." Ngumiti siya bago nagsimulang maglakad.
Tumingin ako kay Kuya Apollo. Nakatayo pa rin siya kung saan siya iniwan ni Daddy kanina. Nasaktan siya.. sobrang nasaktan sa sinabi ni Daddy.
Papalapit na ako ng tumayo si Mama at dumalo kay Kuya. Niyakap niya si Kuya tsaka hinaplos ang likod. He's crying now.
Lumapit pa ako lalo. "Intindihin mo na lang ang Daddy mo, pagod lang 'yon. Bukas kausapin mo siya at mag sorry ka. He understands you." pagpapatahan ni Mama kay kuya.
Dumalo ako sa kanila. Hinawakan ko ang likod ni Kuya. Malaki ang katawan ni Kuya Apollo at matured na rin kung titingnan. Strict eyes, kissable lips and perfect jaw line. That's my Kuya Apollo, a perfect man for me. Mabait pero strikto talaga sa lahat ng bagay, may nakakamatay na ngiti at nakakatunaw na titig. *^▁^*
Bumitaw siya sa pagkakayak ni Mama tsaka humarap sa akin. Ngumiti lang siya kahit namumula na ang mga mata. "Sorry.. I just want to protect you. Sana maintindihan mo." Ngumiti na rin ako tsaka siya niyakap.
"I know.. I know.." bulong ko. "I love you, Kuya."
"I love you more, baby." Aniya.
Nakakatuwang pakinggan sa isang kapatid na lalaki na maging sweet. They will be a perfect husband for their future wife. Sana ako rin makahanap ng katulad ni Kuya Apollo.
Ate Scylla is so lucky to have Kuya Apollo's heart and syempre si Kuya Apollo din ma-suwerte kay Ate Scylla.
"What the hell!? Bakit ganyan ka?" Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat bago hinarap sa kanya. "You're too frigid, Tanya."
"You don't have to be worried. I'm okay." Hindi ko alam kung paano buhayin ang mga salita na lumalabas sa bibig ko. Naaalala ko pa rin ang mga nangyari sa bahay.
"Tss. You're not." Sumandal siya sa pagkaka-upo at tinitigan ako. Ngumiti ako ng hilaw.
Tiniklop ko ang librong hawak hawak ko tsaka nilapag sa lamesa. Hindi pumapasok sa utak ko ang bawat salitang nababasa ko. Ang hirap mag-focus. "Where's Eunice?" Humarap ako sa kanya, bigong ekspresyon ang pinukol niya sa akin. Hinding hindi ako magke-kwento sa kanya, kahit kanino.
"At her class." Walang gana niyang sagot. Ngumuso siya tsaka nagpaawa. Hindi pwede, Farrah. Hinding hindi talaga pwede.
Umiling ako. "Farrah.."
"Sige na nga." Umayos siya sa pagkaka-upo at muli ng nagbasa. Library Time namin ngayon, kaya heto pagbabasa ang ginagawa.
Mabuti na lang talaga nasa tahimik na lugar ako ngayon. Kailangan ko talaga ng ganitong atmosphere para mag-isip at mag-pahinga. The library is the perfect place for me right now.
Paano kung may hindi magandang mangyari sa relasyon ni Daddy at Kuya. Paano kung mag-away sila. Paano kung hindi sila agad magkasundo. Paano kung? Ugh. Ako ang may kasalanan ng lahat. Dapat hindi na lang ako nag-aral.
Baka sa pag-aaral kong ito, ang siyang maging sanhi ng pagkasira ng pamilya namin.
"This will be the last class. Siguro naman pwede tayong lumabas di ba? Maaga pa para umuwi." Matagal na nila akong inaanyayahan na lumabas, Malling. Hindi naman ako pwede tsaka marami pa akong problema para lumabas at mag-saya.
Umiling ako "Next time? Hindi ako pwede eh." Muli akong bumalik sa pagsusulat at pakikinig sa klase.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot kapag sumama ako sa kanila sa Mall. Sa pagkakatanda ko seven years old pa lang ako noong huling punta ko sa Mall, at iyon na rin ang pinaka the best gift na natanggap ko hanggang ngayon. Naramdaman ko kasi na normal na bata lang ako katulad ng ibang bata na pumupunta sa Mall para bumili ng laruan, kumain sa mga fast food chain tsaka ang maglaro. Hinding hindi ko makakalimutan 'yon kahit ang kasama ko lang noon ay si Nanay Rosa atleast naging masaya ako sa kaarawan ko.
"Hindi ka talaga sasama?" Nagpapa-awa na naman siya. "Alam mo magda-dalawang linggo na tayong magkasama pero hindi ka manlang sumasama sa lakad namin ni Eunice, strict ba parents mo?"
Sabihin nating, "Oo, eh."
"Ah, Okay. Sayang naman." Kumuha siya ng make up sa bag niya tsaka nag-ayos. "Nasan na ba kasi si Eunice. Ang tagal ah." Naghihintay kami ngayon dito sa bench malapit sa 'MLB' (Laboratory Building lang ang alam ko hindi ko alam kung ano 'yong M) since nasa tapat lang kami madali daw namin siyang makikita, nasa Computer Laboratory kasi siya.
"Sh*t. Sinong may sabi na pwede kayong maupo sa upuan na 'yan? That's my property." Natulala ako sa reaksyon ni Farrah. Nakatingin na siya sa likuran ko habang nagli-lipstick, hindi siya makagalaw.
Unti-unti na rin akong lumingon. The Hell. Tinaasan ko siya ng kilay.
Halimaw
"Oww. Ikaw an naman!?" Ngumisi siya na parang aso. Halimaw talaga.
"Ikaw rin pala, HALIMAW!" Ngumisi naman ako nang-iinis. Tumayo ako para harapin siya. "Hindi naman ako na inform na pinagawa mo pala itong bench na 'to." I crossed my arms. Akala niya.
"Tanya.." Bulong ni Farrah sa likuran ko. Nilingon ko siya. "Tama na yan." Kita ko sa mga mata niya ang takot. Wala akong paki-alam, muli kong hinarap ang Halimaw na 'to.
"Ah hindi ba?" Ngumisi naman siya na parang nanalo sa laban. "Farrah.." tumingin siya sa likod para harapin si Farrah. "Paki-inform naman sa kanya kung sinong nagmamay-ari ng mga bench dito. Hindi daw kasi siya na inform eh."
Nilingon ko si Farrah, kinuha niya lahat ng gamit niya pati na rin ang mga gamit ko. Dali-dali niya akong hinila palayo sa Halimaw na yun tsaka kami tumigil sa tapat ng Main Building.
"Sorry, Hindi ko nasabi." Nanlaki ang mga mata ko. Anong hindi niya nasabi? Na totoo nga? "ACS Company, one of the board members of this University. Sila ang nagpagawa ng mga benches dito at sa kanila rin nanggaling ang dalawang Hall na ginagamit natin." Ngumiwi ako sa kahihiyan. Ibig sabihin, totoo nga.
"Bakit hindi mo sinabi?" Ngumuso ako. ACS Company, familiar siya sa'kin. "ACS Company. ACS Hotel and Restaurants. Ibig sabihin—"
"Yes. My Family owned everything you’ve said."
"Xandra?" Ani Farrah.
"Hmm? You seem shocked? I heard our Company, kaya ako lumapit. Akala ko ba walang paki-alam ang isang Farrah sa mga Companies na nalalaman niya? Bakit parang natulad ka na ata sa kasama mo? Social Climber." Nilingon ko si Xandra. Natatakot talaga ako sa kaya niyang gawin sa'kin o kahit sa'ming lahat, makapangyarihan siya.
"Tumigil ka na nga, Xandra." Si Eunice iyon., papalapit na siya sa'min.
"Oww. Ibang klase talaga ang taste mo sa kaibigan, Farrah. Cheap." Nagtawanan naman ang mga kaibigan niya.
"Shut up. You're the one who is cheap. Nag-iinarte ka lang naman." Pagtataray naman nitong si Farrah.
"What did you just say!? Anong karapatan mo na sabihin sa'kin 'yan? Baka nakakalimutan mo anak ka lang ng nagmamay-ari ng University na 'to, kami pa rin ang bumubuhay sa buong Pamilya mo." Nasasabi niya ba talaga 'yan? Anong karapatan niya na magsalita ng masasakit sa kapwa estudyante niya.
Nilingon ko si Farrah. Nakikita ko sa mga mata niya ang nagbabadyang mga luha. Masakit 'yon para sa kanya.
Lumapit ako para itahan siya. Sa'kin siya galit, bakit kailangan pati ang mga kaibigan ko idamay niya.
"XANDRA! SUMOSOBRA KA NA! WALA KA RING KARAPATAN NA MANAKIT NG IBANG TAO DAHIL GUSTO MO AT IKASASAYA MO." Ngayon ko lang nakita na ganito kagalit si Eunice. Ang alam ko lang masyado siyang misteryoso sa paningin ko.
"Oww.. I'm scared." Panunuya niya pa. "Tsk. Mas lalo ng walang karapatan ang isang tulad mo. Anak ka lang ng isang Worker or should I say the Dean of our School? Hahaha.." Sumosobra na talaga siya.
Ugh
"Please.. Xandra. Tama na." Mahinahon kong utas bago ko sila hinarap
"Am I even talking to you? Social Climber?" Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Wala ka ring karapatan na utusan ako. Manahimik ka na lang kung gusto mong tumagal sa lugar ko. Hmp." Tinalikuran nila kami.
Hindi tama na magalit ako sa kanila pero hindi rin tama ang pamamalakad niya. Masyado siyang kampante sa kaya niyang gawin.
May mga tao talaga na ginagamit ang kapangyarihan sa maling paraan, pagmamataas at pang-aapak ng kapwa. At 'yon ang ugaling natagpuan ko sa iilang mga estudyante na nakilala ko sa loob ng isang buwan na pag-aaral ko dito.
"Tanya, pano mo ba nagagawa 'yon?" Tatlong meeting na namin sa Golf Class pero hanggang ngayon puro papuri pa rin ang natatanggap ko sa mga kaklase ko. Ani pa nila mas magaling pa nga daw ako sa tatlong Maniego na kaklase namin.
"Tsamba lang." Syempre kailangan kong itago na marunong nga talaga akong maglaro ng Golf. Kahit na halata naman talaga.
"Don't lie to them.. lalo na sa'kin. The first time we played, nakikita ko na hindi normal ang paglalaro mo ng Golf. The stroke and strategies.. hindi normal para sa isang first timer, Miss Medina." Titinitigan niya ako, mata sa mata. Oh no! Mahirap kalabanin ang isang tao na alam kung paano paglaruan ang kasinungalingan at katotohanan. Ngayon alam ni Mr. Lee ang totoo sa likod ng pinapakita ko.
Inalis ko ang tingin ko, alam na niya at wala na akong maitatago pa.
Lumapit siya sa'kin. "You played perfect para sa tournament ng University." Tournament? Ako ang maglalaro sa tournament?
Agad akong umiling. "Mr. Lee, hindi po pwede." Ngumiwi ako bago hinarap si Mr. Lee. Bawal na bawal.
"Why? It's good for you and also for your batch mates. This will be the biggest tournament that held every year. Each Year Level has a representative for the game and you will be the representative for the freshman. Mag-pipitong taon ng hindi nananalo ang freshman sa laban, baka ito na ang panahon para mapunta sa inyo ang korona." Totoo ba 'to?
Alam ko ang Tournament na 'yon 'THE CROWN'. The Crown ang siyang pinaka sikat na laro para sa lahat ng Eskwelahan dito sa Pilipinas. Sa Academy usap-usapan rin ang The Crown dahil sa mainit na labanan ng bawat player ng Year Level. Tama si Mr. Lee mag-pipitong taon ng hindi nananalo ang Freshman sa tournament. Matagal-tagal na nga 'yon, kalahati pa ng edad ko.
"Tss. At bestfriend ko pa ang nasa likod ng pagka-panalo namin noon."
Kaibigan ni Mr. Lee? Si Kuya Apollo ang taong tinutukoy niya. Nasa bahay ang lahat ng Trophy na nakuha ni Kuya Apollo simula freshman hanggang huling taon ng pagsali niya sa larong 'yon at nasundan naman iyon ni Kuya Claude noong sumali siya ng Second Year.
"Last year na kasi namin noon ni Apollo dito sa University ng mag-freshman si Claude. Apollo said, mas magaling daw talaga ang kapatid niya kaysa sa kanya. Kaya lang gusto niyang magtapos na lahat ng korona nasa kanya. Kaya humingi siya ng pabor sa kapatid niya na huwag na muna itong sumali tutal huling taon na naman niya 'yon. Claude gives way for his Brother. Kaya simula noon hindi na muling nanalo ang freshman. Hindi naman hilig ni Tyrone ang maglaro kaya hindi na rin siya sinali para lumaban sa Kuya niya." Hindi ko alam kung bakit nagku-kwento sa akin si Mr. Lee. Kilala na ba niya ako?
Tumingin ako sa mga mata niya. Nakikita ko na binabasa niya at inoobserbahan ang ikikilos ko.
Pero ang malaman ang nasa likod ng matagal na hindi pagka-panalo ng freshman, naging masaya ako para sa natagpuan ko. Noon pa man masungit na siya at suplado, pero sa loob.. mapagmahal at maaalalahanin talaga siyang tao. I'm so proud of him.
"Miss Medina... I know you can.. You can break the record." He taps my shoulder. Ugh.
Pumikit ako ng mariin bago umiling. Lumayo ako kay Mr. Lee tsaka siya hinarap. Ngumiti ako ng hilaw "I can't, Mr. Lee. I can't do it."
"Pag-isipan mo, Miss Medina. Para sa pag-ahon niyo . Para sa matagal na pag-ahon. Think about it." Ngumiti siya bago niya ako tinalikuran.
Hindi sa natatakot ako, pero.. ayaw kong kinakalaban ang kahit sino lalong lalo na ang mga kapatid ko. Sabi nga ni Mr. Lee magaling si Kuya Claude, kayang kaya niyang manalo kahit sumali pa ako. Hindi ko lang maatim na makipag-kompetensya sa kahit sino.
Life isn't a contest but full of challenges.
"WHAT? You rejected the offer? Why.." Inalog niya ako na parang ihihiwalay ang kaluluwa sa katawan ko.
God.. nakakahilo ˋ﹏ˊ
"What's wrong? She has the right to reject 'YOUR LOVE'. Tss." Eunice quoted Your Love. Anong your love?
"Tumigil ka nga diyan." Pinalo niya sa ulo si Eunice.
"ARAY! Ano ba!" Reklamo naman nito.
"Manahimik ka nga." Aniya sabay irap. "Concern lang ako. Alam kong may nakita siyang kakaiba sa'yo, pero bakit mo tinanggihan? ALAM MO BA NA HINDI TAYO MAKAKALABAN SA TAONG ITO KUNG HINDI KA PAPAYAG? YOU ARE THE ONLY CHANCE. YOU ARE THE CHOSEN ONE. BAKIT?" Yumuko siya habang hawak-hawak ang kamay ko. Tss. Paawa naman 'to.
"Hindi lang talaga pwede kahit sobrang posible pa na manalo ako, hindi talaga." Bumitaw ako sa pagkakahawak niya bago tumayo. "Bakit hindi na lang siya humanap ng iba? Maraming mas magaling sa'kin diyan."
"OMG! Tanya, tradisyon ng eskwelahang ito ang tournament na 'yon. Ang pag-pili ang siyang basehan para manalo, dahil once na hindi pumayag ang isang player na gusto ng Professor nila para ilaban HINDI NA SILA PWEDENG MAKASALI PA." Seriously? Hindi ko kaya..
Paano kung hindi nga kami makasali dahil sa'kin? Paano kung matalo ako kung sasali naman ako? Paano kung magalit sa'kin ang Pamilya ko?
Paano kung ito ang maging dahilan para makilala na nila ako?
NO. I can't.
Maraming masisira kung hindi ako sasali pero mas maraming masisira kung sasali ako.
Kung umalis na lang kaya ako para hindi na kami nahihirapan pa. Mas magiging madali lang sana ang lahat kung sa umpisa pa lang hindi ko pinagpilitan.