Kabanata 14

1140 Words
Scared   Hindi mawala sa isip ko ang lalaking 'yon. Ngayon ko lang siya nakilala, pero hindi ko siya makalimutan. Sanay na naman ang mga mata ko sa mga gwapong nilalang dahil lahat ng pinsan ko at mga kapatid ay gwapo, pero iba siya.   Iba si Premier.   Iba ang pagiging attractive niya. Yung tipo na titingin lang siya buo ka na. Ang suwerte ni Tammy.   "Nakita mo na si Premier? Di ba mas lalo siyang pumogi?" Naagaw ng dalawa kong kasama ang atensyon ko.   "Hindi pa. Siguro mamaya, magkaklase ata kami sa isang subject." Tinatamad na sagot ni Eunice. Pinakikinggan ko lang silang dalawa. Baka makakuha pa ako ng ibang impormasyon sa kanila.   "Bakit naman siya kukuha ng subject sa freshman?  Akala ko ba matalino siya?" Kumunot ang noo ko. Hindi siya freshman, anong year na siya?   "I don't know. Basta ang alam ko may babalikan siya." Nagkibit balikat pa si Eunice.   Matalino siya pero may babalikan? Anong ibig sabihin nu'n?   I crossed my arms atsaka sumandal sa upuan. "Sino si Premier?" Ipinakita ko sa ekspresiyon ko ang pagkawalang alam tungkol sa kanya. I just want to know him, more.   Ngumiti si Farrah atsaka tumabi sa akin na kanina ay nakatabi sa kay Eunice. Sumandal rin siya sa pagkakaupo para pumantay sa akin.   "Premier, Premier Alcantara. Pumapangalawa sa pinaka-matalino dito sa University." Napatingin ako kay Eunice. Nauna siyang magsalita kaysa dito sa naeexcite kong katabi.   "Alcantara.." Bulong ko. Parang narinig ko na siya somewhere.   "Yah! Alcantara. Sila 'yong nagmamay-ari ng Alcantara Entertainment." Tinignan ko naman ang katabi ko. Tinaasan ko siya ng kilay. "Artista nila si Tammy, Tammy Maniego, 'yong kaklase natin sa ibang subject." Aniya pa.   Kaya pala..   Hanggang sa klase namin hindi mawala sa isip ko si Premier. I don't know why am I thinking. I don't know him, but there's something in my mind that forces me.   "May problema ka ba?" Tanong ni Farrah sa kalagitnaan ng klase.   Umiling ako. "Bakit matamlay ka? May iniisip ka?" Tanong pa niya.   Umiling lang ulit ako at ngumiti sa kanya. "Sigurado ka? Baka naman nahihiya ka lang magsabi."   "Hindi. Ayos lang ako." Sagot ko habang tutok na ang tingin sa unahan. Kailangan kong makinig.   Nakita ko sa gilid ko ang pagkibit balikat niya. Paano ba siya mawawala sa isip ko. I can't take this anymore. Stop it Tanya!   Pagtapos ng klase nagpaalam na 'ko sa kanila at nagtungo sa parking lot. Hindi na rin kasi ako pinapayagan na lumabas dahil sa mga nangyari. Ipinagbabawal ni Tyrone, dahil kung hindi... isusumbong niya ako kay Kuya Claude.   Hindi pa ako nakakalapit sa kotse ko ng matanaw ko mula dito sa kinatatayuan ko si Premier. He's with my cousin. Tammy.   Pansin ko ang seryosong usapan nila. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang nakatingin sa kanila. Alam ko at sigurado ako na may namamagitan sa kanila. And I don't even care to know.   Hindi ako makalakad, madadaanan ko sila kung itutuloy ko ang paglalakad papuntang kotse ko. At hindi ko gugustuhing marinig ang pinag-uusapan nila. Ngumiti lang ako ng mapait at pumihit pabalik. Passing by to them is not a good idea at all.   "May gusto ka sa pinsan ko?" Nahinto ako sa paglalakad. Pinsan? Sinong pinsan naman kaya ang tinutukoy ng halimaw na 'to. At kung may pinsan nga siya, goodluck dahil marami pala silang halimaw dito.   Hindi ko na siya nilingon. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Saan naman ako pupunta? Pauwi na nga lang sila pa ang makikita ko.   "I can't help but to ask, are you mad?"  Kunot noo ko siyang hinarap. Sinusundan pa rin talaga niya 'ko. "See? Kumukunot pa ang noo mo." Tinuro niya pa ang noo ko habang tumatawa. Tinabig ko ito.   "Pagsinabi ko ba na 'oo' titigilan mo na ako?" Diretsong tanong ko. Kung sana lang.   Mula sa natatawang ekspresyon nagbago ito sa pagiging seryoso. Saglit kaming natahimik. Seryoso siya. Bago 'to ah!   Kilala ko ang tulad niya, mapanglinlang. Walang pinagkaiba sa mga pinsan ko.   "Hindi." Napalitan ito ng nanunuyang ngiti habang nakatingin ng diretso sa akin. "Pag sinabi ko rin ba na 'hindi' may magagawa ka?" Ngumisi pa siya sa akin.   Kahit na maloko siya, hindi mo maipagkakaila na may ibubuga ang isang 'to. Ngiti pa lang puwede ng maging langit. Pero, mas malala si Premier.   "Ewan ko sayo." Tumalikod na ako at tinahak muli ang direksyon kung nasaan ang kotse ko. Sana wala na sila. Gusto ko ng umuwi, kung saan wala sila.   Hindi ko na rin siya nilingon. Kahit anong gawin ko hindi talaga siya titigil. Sana lang walang makarating sa mga pinsan ko.   Muling pumasok sa isip ko si Premier. Sana wala na sila. Nakakatakot isipin na... may Tammy na siya. What the heck! Tanya! Bakit ganito ka mag-isip! Damn it!   Pinalo ko ang ulo ko sa inis. Para na 'kong sira. Sirang sira.   "You don't need to hurt yourself just because you are jealous. Andito naman ako." Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Hindi dahil sa kilig kung 'di, bakit niya alam? Bakit marami siyang alam?   Pinilig ko ang ulo ko tsaka dumiretso ulit sa paglalakad. Baka naman nang-iinis lang siya dahil nakita niya ang panunuod ko sa dalawa.   "Seeing you suffer, makes my heart break." In your dreams! Nang-iinis na nga lang dinadaan pa sa kaartehan. Akala naman niya kikiligin ako.   Nag half run ako para layuan siya. Nakakainis ang pang-iinis niya. Hindi naman ako kikiligin dahil mas naiinis ako sa pinaggagawa niya.   "Aray—" natapon lahat ng gamit niya. Dali-dali akong tumayo at pinagpag ang damit ko. Inangat ko ang tingin ko, Tammy.   Mabuti naman at tapos na silang mag-usap.   Lumapit ako para tulungan siyang tumayo at kuhain lahat ng gamit niya. "Sorry," aniya pa.   Umiling ako. "Ako ang dapat na mag sorry. Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko." Pagtatama ko.   Patayo na ako ng masilayan kong muli ang seryoso niyang tingin sa akin. Nasa likod na siya ni Tammy. Bakit niya ako sinusuri? Alam ko, galit siya dahil sa nagawa ko. Alam ko, galit siya dahil sinaktan ko siya.   "Tammy? Are you alright? May masakit ba?" Umiwas siya ng tingin at agad na dinaluhan si Tammy. Nag-aalala ang mga mata niya para sa pinsan ko. Nag-aalala siya.   "Ayos lang, walang masakit." Pero ako mayroon. May masakit.   Napayuko ako sa kahihiyan. Bakit ko nararamdaman 'to? Bakit ako nasasaktan? Si Premier lang siya. It’s just him being him.   Hindi magiging maganda ang tingin niya sa akin dahil sa nagawa ko. Wrong move, Tanya.   "Hey, may masakit ba sayo?" Hinila niya ako at hinarap sa kanya. Unti-unti kong inangat ang tingin ko. Hindi 'yon pang-iinis. Seryoso siya. "May masakit ba?" Pag-uulit niya habang nakahawak pa rin sa braso ko. Nakakatakot pala maging mag-isa.   Yumuko ako. "Bakit ngayon ka lang.." kung kelan nakita ko nang lahat. Nakita ko kung paano siya masaktan para sa pinsan ko.   Ganito pala ang pakiramdam ng nasasaktan. Nakakatakot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD